CHAPTER 12

11 0 0
                                    

ALVIN POV:

   We're like a family

   Napapangiti ako sa iniisip ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag nasa bisig ko siya. Hanggang ngayon di ko pa rin alam ang pangalan niya

"CHRISALYN MARTINEZ"

   Nagulat kami sa sigaw ng isang may edad na babae tingin ko siya ang nanay ng katabi ko at may katabi itong lalaki, pero mas gwapo ako

"Sino ang poncio pilatong yan ha?!"

   Is it me she's referring to?

"Nay magpapaliwanag ako"   = kinakabahang sabi nito

   Tumabi naman si Bernie kay Leigh na nanlalaki ang mata. Tinanggal niya braso ko sa kanyang bewang. Parang may kung ano na nawala sa kin, parang may kulang

    It makes me feel weak

"Noong una bisugo ang dinala mo rito tapos ngayon, ngayon. Ikaw na bata ka?"

    Tumakbo ito at pinaghahampas ng bilao ang kanyang anak

"Aray nay!"

"Hindi ko po siya boyfriend"

   Her mom thought that we're together. I seem to like that idea

"Aling Sally, maupo muna kayo, chill lang chill"

   Umupo naman ito at masusi kaming tiningnan samantalang umupo ulit siya sa tabi ko

"Nay si Alvin at Leigh po"

   Nagmano ang aking pamangkin sa kanya kaya napangiti naman ito

"Nak bat maga yang mata mo?"

   Napatingin lang sa ate niya ang bata

"Nay ipapaliwanag ko na lang mamaya"

"Bernie doon muna kayo ni Leigh sa kusina, maghain na kayo"

   Masaya namang sumunod ang dalawa. Tumingin sa kin ang ginang habang nakataas ang kilay. Siniko naman ako ng babaeng to. Taka akong tumingin sa kanya pero pinanlakihan niya ko ng mata

   What's the matter?

"Ahm bakit po?"

   Napansin kong nagpipigil ng tawa ang lalaki habang napabuga naman ng hangin ang katabi ko

"Hindi ka ba magbibigay galang iho?"   = mataray nitong sabi

   Aahh, now I get it

"Bless po"

   Sa wakas ay nginitian niya na rin ako

"Hala Chrisalyn explain na, paki summarize dahil gutom na ko"

   Who's this idiot?

"Poseidon mamaya ka sa kin!"

   Nakaramdam ako ng inis dahil mukhang close sila, ano bang nangyayari sa kin?


**********************************************

CHRIS POV:

   Pasalamat ang galunggong na to dahil nandito si Alvin kundi masasapok ko talaga siya. Teka bakit nga ba ako nahihiyang ipakita ang pagkasadista ko?

   Ano naman kung maturn-off siya sa kin?

   Aiish ano ba tong iniisip ko!!!

"Hoy babes wag kang bumusangot diyan"

ANG SEKSING MATON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon