CHAPTER 14

8 0 0
                                    

CHRIS POV:

"Nay nandito na po ako"

   Hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa aming kubo ay sinalubong na ko ni Annie ng yakap

"Ate nandiyan po si Kuya Pogi hihihi"

   Tss si Poseidon talaga pati bata inuuto saang banda kaya ng mukha niya ang gwapo?

"Hoy Poseidon! Wag kang feeli- - -"

   Akala ko, bat ang sama ng tingin nito?

   Ako nga ang dapat magalit

"Anak gusto ka raw makausap ni Alvin, apat na oras na siyang naghihintay"

"Sa likod bahay tayo mag-usap"

   Ayokong marinig nina nanay ang pag-uusapan namin

   Ayokong matulog na naman sa labas ng bahay kapag nalaman niyang nasasaktan na naman ako

"Maggagaguhan na naman ba tayo?"

   Nakatingin siya sa mga mata ko, napakatamlay ng mga mata niya. Lalong nadudurog ang puso ko pag nalulungkot siya

   Iniwas ko ang aking tingin sapagkat alam ko sa sarili ko na handa ko siyang patawarin kahit anong mangyari

   Mahal ko eh

"Sino ba ang Poseidon na yun sa buhay mo? You even thought that I'm him"   = madiin nitong sabi

   Kanina ang lungkot-lungkot tapos magagalit, mood swing lang ang peg?!

"Wala kang pake"

"May pakialam ako dahil mahal kita I want to be the only man in your life. AKO LANG"

   Napa-irap na lang ako sa sinabi niya

"Hindi ko alam na mas may ikakapal pa pala yang mukha mo"

   Kumunot ang noo niya

"What?"

   Lumapit ako sa kanya, tinulak-tulak ang kanyang balikat gamit ang aking hintuturo

"Kapal mo! Gusto mo ikaw lang sa buhay ko pero may iba akong kahati diyan sa puso mo? Wag kang gahaman Alvin!"   = galit kong sabi

"How many times do I have to tell you na break na kami?!"  = sabay hawak niya sa kamay ko

   Ako lang ang gusto niya?

   Kinukuha ko ang kamay ko pero lalo niyang hinihigpitan ang pagkakahawak. Kung hindi ko magagamit ang mga kamay ko pwes bibigyan ko siya ng leksyon sa ibang paraan

"BOOOGSH!"

   Putek! Ang tigas pala talaga ng lalaking to

"Why did you do that?"  = sigaw niya habang hawak-hawak ang ano niya

   Yung ano

   Basta yung ano niya

   Yun na nga, yung ano niya

   Yung ulo niya

   Ulo niya sa itaas, yung may buhok, hihihi

"Tangjuice ka wag mo kong sigawan! Kulang pa yan, kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ko!"

   Nanlambot ang ekspresiyon ng kanyang mukha

"I'm sorry, please believe me"

   Sabi ng puso ko paniwalaan ko siya pero ngayon susundin ko ang utak ko na sinisigaw na huwag, tama na!

  Hindi siya deserving!!

"Wag mo akong busugin ng letseng I love you Alvin, dahil hindi pa tayo ganoon magkakilala, napakabilis ng lahat sa ting dalawa"

ANG SEKSING MATON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon