CHAPTER 7

12 0 0
                                    

AUTHOR'S POV:

   Magkayakap na natutulog ang mag-asawang Martinez sa mahabang upuang kawayan, malapad at malaki naman ito kaya nagkasiya sila

   Sa sobrang tagal nilang pag-iintay sa anak ay nakatulog na sila

*******************************************

ALVIN'S POV:

   Napatingin ako sa digital clock ko

   Ay nak ng! 11:30 na pala ng gabi, sinong matinong tao nga naman ang gising pa sa mga oras na to?

   Inis na isinave ko ang number na yun at pinangalanang Mama 2, ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun pero I have this feeling na I have to do that

   Pumunta na ko sa kwarto ko para matulog pero nagpalit muna ako bago matulog

"What a life!" = nanghihinang sabi ko at binagsak ang katawan ko sa malambot kong kama na kasya ang tatlong tao

   Napatingin ako sa cellphone kong iPhone 6, bakit parang may nag-uudyok sa king tawagan ulit ang numerong iyon?

   Ganito ko na ba ka-miss si Mama para maghanap ng taong pwede kong tawaging mama?

   Kinuha ko ito at inilapag sa aking harapan habang ako'y nakadapa

   Hahawakan ko na sana ito para magdial ngunit hinawakan ng kaliwa kong kamay ang kanan para pigilan ito

   I'm going insane!!!

   Tinampal ko ang aking kaliwang kamay. Hahawakan ko na ulit sana ito ng pigilan ulit ito ng isa kong kamay. Naghilahan silang dalawa pakanan, kaliwa, pakanan, kaliwa

   Patuloy ang paghihilahan sa nagdaang 3 minuto

"Aaaarghh" = napasigaw na lang ako sa inis

   Bakit ba ko kinakabahan? It's just a phone call for Pete's sake!!!

***********************************************

AUTHOR'S POV:

   Papikit-pikit na si Chris habang nakatingin sa telepono. Hindi niya magawang matulog dahil baka tumawag ulit ang kliyente

   Papikit na sana siya ng

"Mama, mam- -"

   Dali-dali niyang sinagot ang tawag parang nabuhay ang katawang lupa niya

"Magandang gabi, mama at your service" = mabilis ngunit masigla nitong sabi

   Nagtaka naman si Alvin dahil napakabilis nitong sinagot ang tawag sa pagkakataong ito na para bang kanina pa siya inaantay

"Ma........ma" = nahihirapang sabi ng binata dahil walang halong galit ang kanyang boses

   Kahit alam ng binata na HINDI ITO ANG INA ay nahihirapan pa rin siyang bigkasin ang salitang ito

   Nabigla naman si Chris sa tono ng kanyang first client alam niyang lalaki ito dahil sa timbre ng boses nito

   Pamilyar ang boses ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya ito

"Ma.....ma" = nanginginig na sabi ng kliyente niya at umiiyak ito. May kung anong kumirot sa puso niya dahil puno ng pangungulila, pagsisisi at pagmamahal ang pagkakabigkas nito sa salitang mama

   Hindi siya ganun katanga para hindi malaman na nahihirapan at may problema ito sa ina

"A-anak bakit ka umiiyak may masakit ba sayo hmm?" = hindi niya alam kung tama ba ang sinabi niya pero gusto niyang pagaanin ang loob nito

ANG SEKSING MATON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon