Day 1 at Victoria's Hotel!

1.5K 30 3
                                    

LOUISE's PoV

Umagang umaga ay nandito na agad kami sa hotel nila Mei. Pinauwi rin kami kahapon nung pinapunta kami sa kwarto na sinabi sa amin. May changes na naganap at parang pinakaba or pinatikim lang daw muna kami sa pagpunta namin dito sa hotel. Jusko may ganun pa pala, so nandito kami ngayon sa Lounge room at nakatayo kaming lahat.

Then dinivide kami ni Sven according to our jobs habang nasalikod niya si Maam.R at mga hoteliers, chefs, at mga interior designers. Jusko, ganto na ba talaga kagrabe sila kayaman?! Mukhang mga famous chefs and designers pa yung magtuturo sa amin. Makapagpa autograph nga mamaya, hihihihi. Magkakagroup ngayon ang nga group ng magluluto,magdedesign,maglilinis at kaming 8 royalties na maid at butlers, magkasama din ang tatlo na sina Gabriella,Candace at Kate.

Then Maam.R step forward and greets us again. "So welcome here again on Victoria's Hotel students. Im sorry about yesterday, tinest ko lang kahapon kung karapat dapat nga ba kayong turuan or not. But may nakita naman akong dahilan so, I've decided na turuan na kayo and Ms.Mei insists too. So be glad na tuturuan ko, namin kayo ngayon and Im going to remind you again na, ayako ng aarte arte at hindi sumusunod sa mga utos namin? Got it?!" Napatango kaming lahat nang sumigaw si Maam.R, napaka sungit nga talaga niya at mukhang susunod talaga ang mga kaklase kong makukulit sa kanya.

"Good, now prepare yourselves in an hour and we will start." Iniwan muna kami ng mga magtuturo dito sa lounge room para makapag handa kaming lahat.

Then tinawag ang atensyon namin ni Sven habang nakatayo siya sa gitna.
"Okay guys, good luck to all of us. Please do your best and lets make this festival the most memorable and happy memories of our class. Okay? Thank you." Tumango ako habang nakangiti dahil nae-excite ako sa gagawin naming school festival, and sa tingin ko lahat kami ay excited na. Then may narinig kaming pumalakpak at tumingin kaming lahat kung sino iyon at si Chris pala. Nako, mag aaway na naman kaya itong dalawang to?

Tumingin lang si Sven kay Chris na naka upo sa sofa at binalik ang tingin samin.

"Okay! Good luck guys! Lets do our best!" Tumango naman kami at nagbalik na sa sari-sarili naming ginagawa. Nagpahinga at nag ready muna kami bago kami magsimula, after ay bumalik na dito si Maam.R at pinapila ulit kami by group.

"So, are you guys ready?" Tanong ni Maam and we answered, "Yess!!"

"Good. The cooks will go to Kitchen 1, the Designers will go to room no.5 floor 6, the Cleaning group will go at the back with the waiters and janitors here. You three girls, will go to room 2 on the left hallway. While you, The Royalties come with me. Ms.Mei you already know the room number right? Please go ahead I'll follow you there, I just need to arrange the other group first." Tumango naman si Mei and looks at us.

"Lets go guys? Im so excited! Yay~" then the 7 of us nodded.

"Okay! Go to your respective rooms now!" Sigaw ni Maam R at lahat kami ay pumunta na sa naka assigned na kwarto sa amin.

Sumakay kaming walo sa glass elevator papataas, floor 8 room 12 daw. Wow! Ang ganda naman nitong elevator na to, kitang kita mo ang buong kagandahan ng hotel.

"Jass are you okay?" Napalingon ako kay Jass na nasa likod na namumutla. Ehh?!

"Okay ka lang Jass?" Tumango naman siya at inalalayan siya ni Celv.

"Im really not used to elevator, sorry guys." Ahh, so hindi pala sanay si Jass sa elevator. Ehh ang pagkakaalam ko, famous ang pamilya ni Jass sa paggagawa ng mga music instruments. Wala kayang elevator sa company at pubrika nila?

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon