Welcome to Japan!

1K 27 0
                                    

LOUISE's PoV

Nandito na kami sa airport habang hinihintay ang flight namin papuntang Japan.

"Wahhh! Im so excited!~" sigaw ni Mei at lahat naman kami ay nag agree. Excited kami sa araw na to dahil makakagala ulit kaming walo na magkakasama.

"10:00 am pa ang flight natin and Its only 9:30, lets go and eat something. Did you guys eat breakfast?" Tanong ni Sven, umiling naman kaming lahat habang si Chris ay tahimik lang sa tabi ni Clhoe.

"I guess we're all excited about this trip Sven that we forgot to eat our breakfast." Sagot ni Alv habang nag aayos ng gamit.

"*sigh* Alright, lets go and eat something. My treat." Sven.

"Yown! Thank you Our Prince!" Sinamaan agad ni Sven si Celv na ngayon ay naka akbay sa kanya, humiwalay naman agad siya saying he was sorry.

Naglakad na kami habang naghahanap ng makakainan, then dumiretso sa isang restaurant at um-order na rin agad. Dumating narin naman agad ang order namin at kumain pagkatapos.

"Thanks for the treat Sven!" Sabi ni Celv at umakbay na naman siya dito.

"Well, may 10 minutes pa tayo. Lets take some walk." Suggestion ni Sven, lumabas na kami sa restaurant at pumunta sa gustong puntahan.

Naiwan kaming dalawa ni Sven pagkalabas dahil nagmadaling umalis ang iba at pumunta kung saan saan. Wahhhh! What am I suppose to do?!

"L-lets go somewhere?" Tumango nalang ako at nagsimula kaming maglakad ni Sven ng malayo ang pagitan sa isa't-isa, naka tungo din ako cause I dont want him to see my face right now.

"Are you nervous?" Umiling lang ako bilang sagot pero deep in side, sobra akong kinakabahan! Jusme! Pero bigla nalang akong hinila ni Sven palapit sa kanya at nakarinig ako ng malakas na pagbagsak sa likod ko.

"Mabuti nalang at hindi ka nasaktan." Narinig kong bulong sakin ni Sven habang nakasubsob ako sa dibdib niya.

"S-sorry po! Nasaktan po ba kayo?" Narinig kong humihingi ng sorry ang crew ata nitong airport.

"No, we're okay. Thank you." Sagot ni Sven. "You okay?" Tanong niya sakin , binitawan ang kamay ko at tumingin sa akin.

"I-Im alright Sven. T-thank you." Ngumiti naman siya bilang sagot at niyaya ako na pumunta na sa pinagtambayan namin kanina. Pagdating, nandoon na agad sila Mei at inasar kami kung saan daw kami nagpunta at nag d-date daw kami ng hindi nila alam.

Sila nga itong nang iwan agad samin eh! Saktong pagdating, 10:00 am na at pumila na kami para pumasok sa airplane.

Magkatabi kami ngayon ni Sven dahil pinilit ni Jass na siya daw ang mag assign kung sino ang magkakalapit ngayon. Nasa likod namin ngayon si Mei at Alv, sa unahan namin si Clhoe at Chris, habang sa likod nila Mei ay sila Jass at Celv. Nasa private airplane kami ngayon nila Sven and oh my goodness, napaka ganda ng airplane na ito.

"You okay there?" tumango ako kay Sven at kinuha niya ang bag niya mula sa taas.

"I have some snacks here, lets eat." Aya niya sakin, um-oo nalang ako at kumain kami ng kumain. Maya maya, nakaramdam ako ng antok kaya nagpaalam muna ako kay Sven na matutulog ako.

ALV's PoV

"Alv, do you have some snacks?" Napatingin ako kay Mei na nagtatanong kung meron daw ba akong makakain.

"Yes, wait a minute." Tumayo ako at inabot ang bag ko sa taas, then when I was about to open it, she suddenly took them away from me. Siya na ang nagbukas at kumuha ng ilang pagkain.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon