Break! Break! Break!

1.3K 31 3
                                    

LOUISE's PoV
Nandito ako sa kwarto ko na nag aayos ng gamit, kagabi pagkauwi ko nag paalam agad ako kay Mama at pumayag naman siya agad. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta pero nag message sakin si Mei sa Facebook na magdala daw ako ng mga damit, pang suot sa paa, at kung ano pang kakailanganin ko.

"Louise, ano? Okay na ba mga dadalhin mo?" Nagulat ako kay Mama na biglang pumasok sa kwarto nang wala man lang katok.

"Mama naman eh, ginulat mo ko." Sabi ko at itinuloy ang pag aayos ng mga gamit.

"Saan kaya kayo pupunta no? Wala ba talagang sinabi si uhmmmm ano nga palang pangalan nun, teka.. M-Mei?" Natawa ako at nag nod kay Mama.

"Opo Ma, wala po siyang sinabi. Malamang po nito, aabutin na naman kami ng days bago makauwi ulit." Tumango naman si Mama at hindi na ata siya nagulat, siguro nasanay na si Mama na lagi kaming may mga gala nila Mei at mahabang galaan yun.

"Mag iingat parin kayo ha. Nako, yan talagang sila Mei na mga kaibigan mo. Sobra nang yaman, dapat mag tipid sila." Natawa nalang ako sa sinabi ni Mama, dahil kahit ako naiisip yan para kila Mei. Pero alam ko namang magagaling ang mga magulang nila pagdating sa pag handle ng business.

Tapos na akong mag ayos at niyakap ko si Mama ng mahigpit.

"Mag iingat kayo ha. I know naman na safe ka sa kanila pero mag iingat parin kayo. Pakisabi, salamat kila Mei at sinama ka na naman nila kung saan saan." Ngumiti ako at niyakap ulit si Mama.

"Aalis na po ako Ma. Ingat din po kayo dito ha, wag po kayo masyadong mag papagod." Tumango naman si Mama at bumaba na ako at pumunta na sa bahay nila Mei.

After ng 30 minutes na paglalakad, nandito na ako kila Mei at nandito ako sa labas ng gate nila. Nag bukas ito ng mag isa at nagsimula na akong mag lakad, ngayon ko lang na appreciate ng lubusan ang ganda ng bahay nila Mei. Mula sa gate at sa mansion nila Mei, may isang napakalaking garden ka munang dadaanan bago makarating sa mismong bahay nila Mei. Napaka daming bulaklak at iba iba ang mga uri nito, maya maya may tumawag ng pangalan ko mula sa likod at nakita ko si Sven na tumatakbo papalapit sakin.

"S-sven! Bat ka tumatakbo?" Tumigil siya sa harap ko na hingal na hingal and he's trying to catch his breath.

*huff huff* Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "A-ahh.. ehh, nakita kasi kita sa labas ng gate kanina habang nasa kotse ako, kaya bumaba muna ako and then I run trying to catch up with you." Nagulat naman ako sa dahilan niya, bumaba pa talaga siya ng kotse niya para lang habulin ako.

"A-ahh.. ganun ba? W-well, tara na?" Sabi ko at nginitian niya naman ako pabalik at nagsimula na naming lakarin ang napaka gandang garden nila Mei.

After ng ilang minutong paglalakad, nakarating narin kami sa mismong bahay nila Mei at pinapasok rin naman agad kami ng mga maid. Pagkapasok, nakita na namin sila Clhoe,Alv,Jass, at Mei sa living room nila.

"Lou! Sven! Im glad na nakarating na kayo!" Bati samin ni Mei at bumati narin ang iba.

"Phew, akala ko naligaw ka na since ayaw mong magpasundo." Napangiti nalang ako at inaya niya na ako umupo.

"Teka, nasan na si Celv?" Tanong ko dahil hindi ko siya nakita na nandito.

"Ahh, dont worry Lou. Doon nalang natin siya makikita sa pupuntahan natin. Cause, pupunta naman tayo sa isang forest na pagmamay ari nila." F-forest?! Nakita ko na madami din silang dala gaya ko, forest.. ibig sabihin..

"Were going on a camp trip Lou, and Celv's family owns 3 forest here in the Philippines so yeah. They've decided to build a campsite para sa mga gustong mag bonding, vacation and they also have a retreat house!" I see naintidihan ko na, alam kong mayaman din si Celv pero hindi ko inexpect na ganun pala talaga siya kayaman! Omg. Ang alam ko lang, may ari sila ng mga kilalang company dito sa Pilipinas.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon