Here Comes The Bad Day II

2.5K 62 15
                                    

LOUISE's PoV

Nandito na ako sa school. Pagkapasok ko palang kanina, bulungan at masa-samang tingin na naman ang sumalubong sakin. Lagi naman eh, dapat siguro masanay na ako, pero pagkasama ko kasi sila Clhoe nakakalimutan ko ang lahat ng mga ito.

Pumasok na ako ng room, may mga ilang kaklase ko narin ang mga nandito, ganun din ang ginawa nila bulungan at masa-samang tingin. Umupo na ako sa upuan ko at tumungo. Mga ilang sandali, narinig kong binati ng mga kaklase ko si Mei, nakatungo parin ako, ayako silang lapitan o kausapin dahil baka lalong gumulo.

Naramdaman kong umupo si Mei sa likod ko kung saan doon siya naka-upo. Hindi niya rin ako kinausap narinig ko siyang umiiyak. Masakit, masakit na nakikita mong umiiyak ang kaibigan mong para mo nang kapatid. Pero wala akong magawa, dahil ayako na silang guluhin, simula ata ng dumating ako dito, gumulo ang mundo nila. Naluluha narin ako sa mga nangyayari.

Dumating si Clhoe at narinig kong tumigil na sa pagiyak si Mei. Nagbatian sila ng "Goodmorning" at tumahimik. Sunod-sunod nang dumating sila Alv, Celv, at Jass pero nakatungo parin ako at hindi sila pinapansin, ganun din sila nagbabatian lang ng "Goodmorning" at tatahimik na at walang imikan.

Nagsimula din ang klase na wala akong gana at nakatingin lang sa bintana. Wala nga pala akong katabi, wala parin kasi si Sven hanggang ngayon. Nasan kaya siya?

CLHOE's PoV

*Krrrrrriiiiiinnngggg*

Tapos na ang klase at break na.

"Okay, class dismissed." sabi ni Mrs.Aragones. Pagkasabing-pagkasabi palang noon ni Mam, tumayo at lumabas agad si Louise. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming anim, walang imikan at tahimik lang, para bang hindi kami magkaka-kilala. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, masakit na at gulong-gulong na ko.

"Tara na guys." yaya ko sa kanila, pero hindi man lang sila tumingin sakin.

"Ahh .. Guys?" tsaka lang sila nagsibalikan sa mga senses nila nung tawagin ko ulit sila.

"Tara na" cheerful na sabi ni Mei, pero yung ngiti niya halatang peke, peke masyado. Masyado silang inosente sa paghi-hide ng mga nararamdaman nila.

Sabay-sabay kaming lumabas at pumuntang Cafeteria, isa sa amin walang nagsasalita at tahimik lang na naglalakad. Nang makapasok na kami, pumunta na kami sa favorite spot namin na may pitong upuan, nakita ko naman si Mei na tumingin sa upuan ni Lou na katabi niya.

Maluha-luha siya ng tingnan niya ito, pero tumigil siya ng hawakan siya sa shoulder ni Alv. Si Celv naman, tahimik lang na nakatingin sa mga estudyante sa labas ng cafeteria. Si Jass, pumila na at bumili ng kakainin namin.

Mga ilang minuto din ang nakalipas at bumalik na si Jass dala ang mga pagkain namin, si Mei, tapos ng umiyak at kumain nalang. Kumain kami ng tahimik at wala na namang imikan.

LOUISE's PoV

Nandito ako sa soccer field. Kung saan tahimik at wala masyadong tao, perfect place para sa katulad ko at sa mga panahong ito. Binabalikan ko yung mga pangyayari kung saan masaya,nakakalimutan ko lahat ng problema pag kasama ko sila. Kahit ganun kabilis ang mga nangyari parang feeling ko ang tagal-tagal ng nangyari, at bumabagal ang oras pag kasama ko sila.

Naiiyak na naman ako, parang sa isang iglap lang natapos ang lahat. Tapos na nga ba? Hanggang dun nalang?

FLO GREENAGE's PoV

REMEMBER ME?

Ako lang naman ang nagiisang anak ng SIKAT na furniture maker sa buong mundo. Ingit ? Huh.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon