The End?

3.4K 40 26
                                    

Flashback
Kinabukasan ng araw na iyon ay hinintay ko ang tawag mula kay Sven dahil tatawagan niya daw ako kinabukasan pero hanggang ngayon ay wala parin ang tawag niya.

Mga ilang araw akong nag-intay ng tawag niya pero wala akong natanggap. Hanggang sa mabalitaan ko na umalis pala siya ng Pilipinas at pumunta sa ibang bansa, uuwi din daw siya pagkatapos ng ilang linggo sabi ng usap usap sa balita, dyaryo at iba pa pero nagintay na naman ako pero hindi siya bumalik.

Kaming pito ay naghintay sa pagbabalik niya pero wala, wala sa aming bumalik na Sven. Umiiyak na ako dahil sa pag aalala sa kanya, namimiss ko na siya. Ang dami dami ng pumapasok sa isip ko na posibleng mangyari, wala na kaming balita sa kanya pagkatapos ng balitang umalis siya ng Pilipinas.

Months, at 1 year kaming nag hintay pero wala, hindi siya bumalik. Ginawa namin ang lahat para makita siya, tinanong namin ang vice principal, ang lahat, mga katulong sa bahay nila pero wala, wala silang naisagot. Hindi nila alam, walang may alam sa kanilang lahat. Milyong beses namin silang tinanong, paulit ulit, palagi akong pumupunta sa kanila pero wala parin silang maisagot.

Nagsimula ng tumigil ang iba sa aming walo pero ako, hindi ako sumuko, hindi ako sumuko na hanapin siya. Ang sakit, ang sakit ng nararamdaman ko, durog na durog na ang puso ko sa kahahanap sa kanya. Alam ko, alam ko na konti palang ang pinagsamahan naming dalawa, pero enough na yon para mahalin ko siya.

Hindi ako sumuko sa loob ng 5 taon, kahit nag aaral ako, kahit nagt-trabaho na ako ay hindi parin ako sumuko sa paghahanap sa kanya.

Nagsimula naring tumigil ang pag iyak ko araw araw, ang dami ng nagsasabi sa akin na tumigil na ako sa paghahanap, na tumigil na ako sa nararamdaman ko. Pero hindi ko sila pinakinggan at nagpatuloy parin ako sa nararamdaman ko.

Where is he?


A/N: Hello! Thanks for reading this story of mine. At sasabihin ko po sa inyo na tapos na po ang "The Royal Academy"! Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa nito! Im so happy! Muahahahahaha. Watch out for the next season of this story! Soon!

Thank you po! Love lots!

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon