We Became a Family

3.6K 76 3
                                    

LOUISE's PoV
*krrrrrriiiinnnggg*

"Louise gising na" sigaw ng Mama ko sakin.

"Opo!"

Pagkababa ko nakita ko agad si Mama na naka upo na sa hapag kainan.

Nakita ko sa mesa , hotdog , pandesal , chaka fried rice tsaka gatas. Wow! My favorite almusal.

"Ma , may nangyari ba ? O baka naman may sakit ka" sabi ko kay Mama na nag sasalin na ng milk sa baso ko. Hinipo ko pa yung noo ni Mama.

"Ha? anong pinagsasabi mo?" Mama.

"Ahh e kasi bihira nalang tayo mag kumpleto ng almusal."

"Wala. Kumain ka na nalang diyan. Sira to!"

"Opo"

Bago kami kumain nag dasal muna kami. Kami lang palang dalawa ni Mama. Ayy nako Louise di ka na nasanay ! Sabi ko sa sarili ko. Simula kasi noong 3 years old palang ako wala na akong tatay, paulit-ulit? Only child lang ako.

Tama na ... baka maiyak pa ako nito. Huhu! Joke!

Pagka tapos naming kumain naligo na ako , nag tapos na ng kung ano-anong gawain at preparation. Pagkatapos nag paalam narin ako kay Mama.

Pagkalabas ko ng gate. May narinig agad akong nag busina *beeeeeppp*

"Ay kalabaw !" Sigaw ko sa gulat.

Sino yun ? Paglingon ko sa likod may nakita akong magandang kotse naaninag ko si Mei at Clhoe sa loob at tinawag ako. Pag kalapit ko bumaba yung salamin ng sasakyan.

"Louise sakay na!" Cheerful na sabi ni Mei , Ke aga-aga cheerful agad si Mei.

"Ayy nako wag na. Isa pa malapit lang naman talaga dito ung school e"

"Louise" sabi ni Clhoe. Kaya sumakay agad ako. Alam niyo na kung paano niya sinabi yun , si Clhoe talaga.

Habang umaandar ngayon ko lang nakita yung mga dinadaan ko ang gaganda pala ng mga bahay dito , ngayon ko lang napansin. Hindi ko na namalayan na nandito na kami sa school. Dito lang kami hinatid sa labas. Nakita kong ang daming nakaabang na mga estudyante sa labas. Bakit kaya?

Bumaba na kami, unang lumabas si Mei. Pagkalabas palang ni Mei ang dami ng nag hiyawan na mga estudyante. Sunod na lumabas si Clhoe sinabi niya muna na huli na akong lumabas. Pag kalabas ni Clhoe mas lalong naghiyawan. Sunod na ako ano nang gagawin ko. Pagkalabas ko nawala yung mga hiyawan nila.

"OMG bat kasabay nila Mei at Clhoe yang poor na yan" bulong ng isang babae. Bubulong na nga lang ang lakas pa. Bulong ba yan?

Eto pa isa "Kaya nga di siya bagay" sabi naman nung isang babae na kasama ni babae 1.

Hayyy ... sige lait pa.

"Just shut up!" May sumigaw na lalaki sa likod namin pag lingon ko si Alv pala.

"Girl , dont you know na ang bulong is bulong , sigaw na yang sayo e. Halos rinig naming lahat" sabi naman ni Clhoe na naiirita.

Sunod naman na bumaba si Celv sa sasakyan niya.

"Hey missy , dont hurt my babe" Celv.

"B-" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumagot agad si Jass kasama si Sven na kakababa palang ng sasakyan. Sabay pala sila..

"Hey umalis nga kayo sa harap namin!" sabi ni Jass grabe ngayon ko lang narinig si Jass mag salita ng ganun.

"I dont want to see that you're hurting my friends you loser!" Mei.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon