Study First!

1K 25 2
                                    

MEI's PoV

"Oh my gosh, I just remembered that we have to study for our last exam this grading period. Aggghhh." Sabi ni Mei sabay humiga sa couch ng bahay namin.

Nandito kami ngayong apat sa amin dahil gusto daw nila akong dalawin. Na miss agad ako ng tatlong ito eh magkakasama naman kami kahapon.

"You're right Mei. Tinatamad pa naman ako, now that sembreak is here!" Clhoe.

"Well, ganon talaga. By the way, Sven told me that his parents already agreed for us to use their private jet." Saad ni Jass.

"That's good! Wahhh, gusto ko na talaga matapos ang exams at pumunta ng ibang bansa. Wait, where should we go though?" Tanong ni Mei at nagtinginan kaming apat, we realize na hindi pa pala namin napag uusapan kung saang bansa kami pupunta.

"Oh geez.." sabi ni Clhoe at napahilamos nalang ng mukha.

"Oh mga girls, kumain muna kayo ng miryenda." Inilapag ni Mama ang luto niyang banana que at juice.

"Oh my, thank you Tita." Kumuha agad si Mei ng isang tuhog at kinain agad. "This is so delicious, babalik ulit ako dito Tita to eat this." Pagpapatuloy niya.

"Of course Mei, oh teka mag iingat kayo kung saan man kayo pupunta ha." Tumango kami at bumalik na ulit siya sa kusina.

"Ang bango, anong niluluto ng Mama mo Lou?" Tanong ni Jass.

"Ohh mga kakanin yon Jass, ititinda niya yon para mamaya." Tumango siya at napatingin kay Mei at Clhoe na parang nag uusap sila without speaking, ngumiti naman agad ang dalawa at napatingin sa amin.

"Lets us help you out Lou! Sa pagtitinda niyo!" Nanlaki agad ang mga mata ko at umiling agad, pero wala na din akong nagawa kundi pumayag dahil pinilit nila ako.Nagsabi pa sila
-__-")

Pumasok na agad ang dalawa sa kusina para tulungan si Mama sa pagluluto habang si Jass ay nakahiga habang kumakain. Mga ilang minuto, lumabas kami para ihanda na ang mga paninda at halatang excited na ang dalawa sa pagtitinda dahil abalang abala sila ngayon sa pag aayos. Lahat ng dapat gawin ko ay ginawa na nila kaya pinanood ko nalang sila sa pag aayos.

"Ready na guys?" Tanong ko, tumango naman sila at kumuha ng pictures.

"I will handle the money." Suggestion ni Jass at umupo agad na hawak hawak ang wallet, natawa naman kaming tatlo.

Bago magtinda, sinabi ko muna ang mga presyo ng mga tinda at sinulat narin para hindi nila makalimutan. Pinatanda ko rin sa kanila ang mga pangalan ng mga bilihin.

"So, lets start!" Sigaw ni Mei at nag tinginan agad sa kanya ang mga tao sa paligid. "Oppsss... bili na po kayo!" Pagpapatuloy niya.

Medyo maraming tao agad ang bumili ng paninda namin, marahil siguro sa pagtawag ni Mei sa mga taong dadaan at sa mga tao dito na nakapaligid. Medyo malayo kami sa bahay namin kaya marami raming tao ang dumadaan dito.

Mga ilang oras narin ang lumipas simula nung medyo madami ang bumili sa amin, masyado ata kaming napa aga ng pagtinda kaya mag a-alas tres palang ng hapon. Nag ready na kami dahil alam namin na madami ang bibili ngayon dahil oras na ng miryenda.

"Kung ako siguro costumer niyo Lou, naubos ko na to lahat." Saad ni Clhoe na ngayon ay nakatingin sa mga paninda at mukhang nagugutom na.

"Pwede ka namang bumili Clhoe no!" Sigaw ni Mei, inirapan naman agad siya ni Clhoe at kumuha agad ng biko sa loob ng glass cabinet.

Maya maya, dumagsa na din ang taong bumili ng paninda namin. Medyo nataranta kami dahil sa dami ng tao na bumibili, yung iba kasi ay isang plastic ang binibili na puno kaya medyo nahirapan kami. Mabuti nalang at madaming ginawa si Mama ngayon, mukhang alam ni Mama na maraming bibili ngayon ah.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon