Before Sembreak

1K 23 1
                                    

LOUISE's PoV

Its been almost a month simula ng mangyari ang kidnap kay Jass, lahat ng weeks ay puno ng pag aaral, laboy, paggawa ng katungkulan namin bilang mga royalties, at masyado nadin akong naging close sa kanila at medyo konti lang maman eh nabawasan ang mga bullies ko. At sa tatlong linggo na yon na nakalipas, marami din ang nagbago sa amin ni Sven. Medyo naging close na kami pero hindi parin maiiwasan ang pagiging mailap ko sa kanya, what can I do? Tuwing kinakausap niya ako ang lakas ng tibok ng dibdib ko, diba dapat nawawala na? Pero bakit lalo atang lumalala. Wahhhhh!

At sa buong month na yon, iniisip ko parin yung pumasok sa isip ko na katanungan, "Gusto ko ba si Sven?". Jusme naman! Naging madalas din ang pagdalaw nila X, Grey and Green, at Romeo dito sa school namin. Gustong gusto ko nga ni X si Jass, hahahahaha. Nakakatawa lang kung iisipin, maganda si Jass ang cool at ang astig pa kaya hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya, ang nakakatawa kasi ay si X at ang pag aaway nila laging dalawa tuwing dadalaw siya dito.

Medyo naging close din kami ng mga royalties sa apat na ito. Isang buwan pero ang dami na agad nangyari, mag s-sembreak narin kung iisipin, at~ tumaas na ang sahod ko sa part time job ko, buti nalang at hindi nalalaman nila Clhoe ang tungkol dito.

"Lou!~ Nandiyan na sila X! Come on and let's go!" Sigaw sakin ni Mei mula lounge room, nandito kasi ako sa kitchen at naghahanda ng makakain namin.

"Saglit lang Mei! Susunod nalang ako!" Sumigaw pabalik si Mei ng okay at aalis na daw siya, nilagay ko na rin agad ang niluto ko sa plato at inihain sa lamesa ng lounge room. Maya maya, pumasok si Jass na nakasimangot.

"Ohh Jass, ano nangyari?" Bumuntong hininga siya at uminom ng juice na inihain ko bago sumagot sakin.

"Im just.. confused Lou." Umupo ako sa tabi niya at tinanong siya kung anong problema.

"You know Ace right?" Tanong niya at tumango naman agad ako, ka band niya ito sa The Royalx. Ano kayang meron?

"Well, he confessed to me Lou but matagal na kasi iyon.. and up until now wala pa akong isinasagot sa kanya. My brother, siya lang lagi ang sumasagot. I dont know what to do.." pagkasabi niya non ay niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik.

"Well, I think you should to him Jass. Tell him what you really feel." Sagot ko at tiningnan niya ako at ngumiti.

"Thanks Lou, although this is going to be hard, I'll try." Ngumiti naman ako at uminom ulit siya ng juice.

"Ehh.. what about X?" Pagkasabi ko non ay nasamid siya kaya naman hinimas ko kaagad ang likod niya.

"Wahhh! Sorry Jass!" Sinamaan niya ako ng tingin at tumawa din pagkatapos.

"Its okay Lou, nagulat lang ako. Hehe." ngumiti nalang ako at nakakainis! Dapat siguro hindi ko nalang tinanong. Wahhhh.

Umalis din si Jass pagkatapos at sumunod kila Mei sa pagsundo kila X. Kaya ako nalang ang natira dito at inayos na ang kakainin. Maya maya ay nandito na rin sila.

"Yayyy! Foodsss!" Sigaw ni Mei at dumiretso sa pagkuha ng pagkain.

"Delicious as always Louise." Saad naman ni Green, nagulat ako ng kumakain na rin siya at punong-puno ang plato.

"Of course, masarap talagang magluto si Louise. She is really fitted to be My Princess— I mean academy's princess."" Sambit naman ni Sven, natawa naman sila Alv,Celv,Grey,X at Romeo sa sinabi ni Sven, napatingin ako sa kanilang dalawa na masama ang tingin sa isat isa. Since na bumalik sila X dito nung second time, lagi nang parang may away ang dalawang to.

"Pffffttt, lets eat then!" Tumango naman kami at nagsimula ng kumain.

"So how's the academy going X?" Tanong ni Sven habang kumukuha ng ulam sa lamesa.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon