Chapter Eleven-Sister

653 17 4
                                    

"Les!!!!" Sigaw nung babae habang hinahawi palayo sakin si sir. Nakakunot noo niya at nakatingin sakin.. Bumilis tibok ng puso ko sa kaba. There's something in her glare na nakakatakot.

Tumayo agad ako at binaba ng konti ang tshirt kong medyo naangat. Nakatingin lang ako lang sakanya na hindi alam kung anong sasabihin.

At first she was frowning pero tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, then... She smiled. Syempre I politely smiled din pero medyo confused pa. Obviously hindi siya girlfriend kasi dapat by now pissed off na siya. Dun ko narealize na baka magkapatid sila? May nakikita akong resemblance nila eh. Yung matangos na ilong at yung mata nilang medyo browninsh.

"Hi!" tili niya at tsaka inalok ang kamay niya para makipagshake hands "My name is Denley Janice" Nakipagshake hands ako at nagpakilala "His sister" Sabay turo niya kay Sir Justin gamit ang kaliwang kamay niya

"Hello... Hayley po" Magalang kong sabi. Siya naman natawa at napataas kilay.

"I'm sorry, Napansin ko lang na your name ends with "ley" too" Napaisip ako at natawa din ng maisip na 'oo nga noh?'

"Bakit ka nandito?" Malamig na tanong ni Sir sa ate niya.

"Can we not do this here?" Tanong ni Denley habang iniikot ang hintuturo niya sa paligid. "I know may interrupt ako pero pwede niyo namang ituloy na lang yun later" Mahinang sabi niya at binigyan ako ng knowing look sabay tawa. Sana lang hindi niya napansin pagpula ng pisngi ko dahil alam ko ibig sabihin niya. 

Mag'eexplain pa sana ako pero hinatak niya na kami palabas ng C.R.

_____

Umupo kaming tatlo sa couch ng living room after magtimpla ni Denley ng 2 coffees at isang juice. Nahihiya pa ako nung sinabi kong hindi ako umiinom ng kape, pero tumawa lang siya at sinabeng 'Nako okay lang, juice na lang sayo'. Mabait siya, to be honest sa unang tingin akala ko may attitude siya, kasi karamihan sa mga babaeng kasing ganda at sexy niya mayayabang, iba siya kumbaga siya pa talaga nagpumilit na magtimpla ng iinumin namin kahit sinabi kong ako na lang.

"So bakit ka nga nandito" Ulit na tanong ni Sir pagkatapos humigop sa mainit na tasa.

"Are'nt you gonna ask me first kung 'kamusta flight sis?' or 'how are things?', Hindi mo ba ako namiss?" Natatawang tanong niya pero alam kong may bahid ng tampo.

"You look fine" Matipid niyang sabi.

"That's what you thought but, Thanks" Ngumiti siya at tumingin saming dalawa na "Kayo naman mukang tired" 

"Kakagising lang kasi namin" Sagot ni Sir.

"Saan kayo natulog? Sa C.R?" di ko napigilan at sabay kaming nagtawanan ni Denley. Pareho naman kaming binigyan ng dirty look ni sir. Kaya huminto na kami. "So I'm here nga pala to inform my brothers na..." Huminga siya ng malalim,pumikit at ngumiti siya "I'm getting married!!" Sigaw niya sabay yakap sa kapatid niya. Pero ang pinansin ko agad sa sinabi niya ay yung word na 'brothers' so may kapatid pa pala sila.

"It will be held sa States nga pala, so I guess sagot ko na pamasahe niyo." Excited niyang sabi at kinuha niya ang kamay ko "You too, Hayley"

Nanlaki mata ko "Congratulations po ate Denley, pero bakit po ako kasama?"

“Bakit hindi?” hinawakan niya dalawang kamay ko at nagtatalon. “My brother’s girlfriend is invited too syempre.” Sigaw niya.

“Whaaattt!!” napalakas kong tanong sakanya. Syempre lahat kami nabigla. Dahil sino ba naman ako para sigawan siya? Napatayo si Sir at pinulupot ang kanang braso niya sa likod ko at pinisil ang kanang braso ko. “S….” Pero bago pa ako magsalita, inunahan na ako ni Sir.

Concealed Mutual Feelings (Student/Teacher Relationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon