Chapter Twelve-Baby

81 3 0
                                    

Hindi ko na nagawang magsalita dahil bigla silang pumasok sa loob ng walang pagaalinlangan. Automatic na tumalikod ako, umaasang wala si Sir sa paningin ko at buti dininig ang dasal ko.

Sumalampak lang sila Pangs at Jo sa sofa habang si Tita bitbit si Timmy papunta sa kwarto nila.

"nasan naman kaya yun?" pabulong kong tanong. Una ko siyang hinanap sa banyo pero wala siya. Maliit lang naman ang bahay kaya nakita ko din agad siya.

Nakatayo lang siya nakaharap sakin ang likod niya habang nakatulala sa painting sa pader ko. Narinig niya yung sigh of relief ko kaya nilingon niya ako. "Marunong ka pala magpaint?" nakangiting sabi niya

"Pano mo nalaman na ako nagpaint niyan?" Mahina kong tanong habang papalapit at siniguradong nakalock ang pinto.

"It defines you" Maikli niyang sagot sabay alis at umupo sa higaan ko. Naconfused naman ako sa sinabi niya. Pano ko naging definition ang painting ko, eh tatlong bata lang naman yun walang mga mukha kasi nakatalikod, lahat sila may smiley face sa likod dalawang lalaki at isang babae. Tapos nakatingin lang sila sa langit. It was a happy sight. Pero malungkot ako nung time na pinaint ko yun, that was the time na nagkagalit kami ni jo. Di ko alam kung bakit yun ang naisipan kong ipinta. Siguro dahil narin kaylangan ko ng kaibigan nung time na yun.

Hindi ko na lang pinansin ang sagot niya at iniba ko ang usapan. "Bakit ka nga pala napadpad sa kwarto ko?"

Nagkibit-balikat lang siya at tinatamad na sabi "Alsm ko namang hindi mo gugustuhin na makita ako ng mga kaibigan mo..."

Magsasalita na dapat ako pero inunahan niya na ako

"Napapansin ko yun lily, sa school ,sa mcdo... But it's okay. Naiintindihan ko at tama ka naman"

Ngumiti lang ako dahil narin di ko alam ang sasabihin ko.

"Alis na rin ako. I really just wanted to see Timmy" Natatawa niyang sabi.

"Wait lang ididistract ko muna yung mga yun." Patakbo akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan ko sila naririnig na naguusap usap.

"Oh lily saan ka ba nagpunta. Aalis narin ako maiwan ko muna kayo dito." paalam ni tita pagkatapos halikan si timmy sa noo.

"O sige po, ingat ka po text ka na lang kapag pauwi kna"

Pagkaalis ni Tita sinabi ko na kayla jo na kumaen na sila at kahit wag na nila ako hintayin. Pero mukhang di ko na kailangan sabihin. Napailing na lang ako at pupunta na dapat sa kwarto ko nang magsalita bigla si Jo.

"May tutong nanaman yung kanin Lily." Natatawang sabi niya habang hinihiwalay yung mga maiitim na kanin.

"Eh magaling magsaing eh!" natatawa ko namang sagot na nilakasan ko para marinig ni Sir ang papuri ko sa sinaing niya.

---

"Les, ayaw mong kumain muna?"tanong ko sakanya. Naguilty kasi ako, alam ko na hindi pa siya kumaken.

"Well, may magagawa ba?" Nakangiti niyang sabi habang papalapit sakin. "Mukang masarap pa naman yung niluto mo." Papuri niya kahit alam ko na nang iinis lang siya.

"Ipagbabalot na lang kita?" Tanong ko, pero hindi ko na hinintay na sumagot siya at dumiretso na ako sa kusina.

Ilang sandali labg binalikan ko siya at inabot sakanya yung plastic na may tupperware sa loob. Nagaalangan niyang kinuha at nagpasalamat.

"You're welcome sir. Kakausapin ko na lang sila tapos kapag itetext na lang kita." Inabot ko sakanya phone ko at pinalagay ang number niya.

"Are you sure na para makaalis ako kaya mo kinuha number ko or para makatextmate mo lang  ako?" bumalik na nanaman ang arrogance niya at napairap na lang ako. Binalik niya phone ko at tinignan ko para isave ko pero inunahan niya na ako. At hindi lang yun! BABY pa ang nilagay niyang contact name.

"Immatured" pabulong kong sabi at pinindot ang edit para palitan pero pinigilan niya ako.

"Wag mong palitan. Kapag nalaman nilang meron kang number ko baka kumalat." paliwanag niya habang nakahawak parin sa kamay ko na nakahinto na sa pagtype.

"Pwede namang iba, wag lang BABY!" Depensa ko.

"Sinong kausap mo Lily?" Sigaw ni Pangs na parang papalapit siya kwarto ko. Sinalubong ko agad siya sa labas at hinatak pabalik sa kusina.

"Pangs! May ikukwento ako sayo!" Wala akong maisip na sabihin pero bahala na.

"excited lang?" tanong niya habang nakatingin sakin na may amused expression. "Oh ano ikukwento mo? Tanong niya agad pagkabitaw ko sakanya.

Napakamot lang ako at nagisip ng pwedeng sabihin. "Uh... Teka" tinext ko muna si Sir bago ako magsalita. "Ano kasi.. Uhm.."

"Ano?" naiinip na tanong ni Pangs.

Magsasalita na dapat ako nang bigla kong nakita si Sir na lumabas ng kwarto ko. Nakita siguro ni Jo yung expression ko kaya lilingunin niya dapat kundi lang ako biglang nagsalita. "Si Cris!!!!"

Nakuha ko attention ni Pangs. Nakatingin lang sya sakin ng hayok na hayok malaman kung ano susunod sa sasabihin ko. "O, ano meron kay Cris?" Tanong nya

Narinig ko sa likod ko na may inay na parang may nalaglag. "Kami na!..." bigkas ko bago pa lumingon ulit si Pangs.

"Kayo na?!" Tanong ni Jo habang papalapit samin ni Pangs.

Oh no, paano to.

After 80000000000 years! Nag update din Lol. Sorry guys! Explain ako sa next publish ko then update ako next chapter this week! Promise 🙏🏻


Concealed Mutual Feelings (Student/Teacher Relationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon