Chapter Ten -Happy Birthday?

587 6 0
                                    

Nabalik lang ako sa katinuan nang marining ko ulit sila.

"Bakit kayo magkasama?" Tanong ulit ni Sir Jillian sabay upo pero nakasimangot parin sila

"Pauwi na kami sa bahay ko" Sagot ni Justin at matigas na sinabi yung word na 'bahay ko'. Gulat na gulat ako at nakita ko ang pag shift ng emosyon ni Sir Jillian. Bago pa siya makapagtanong inunahan ko na siya.

"Magpinsan kame!" Mabilisan kong singit kaya medyo napasigaw ako. Satisfied ako sagod ko kaya I mentally congratulate myself sa naisip kong palusot. "Magpinsan kami. yun nga" Ulit ko.

Nilabasniya cellphone niya at tinignan ang oras "So, nakatira kayo sa iisang bahay?"

"Pansamantala lang po, siya muna guardian ko." Sagot ko naman habang umiiling si Justin, alam kong ayaw niya ng kausapin ko pa si Sir.

"Is that so, So Les.. You wouldn't mind kung kunin ko number ni Hayley?" Nakangiting tanong niya kay justin. Bakit alam niyang Lesly pangalan niya?

"As she said earlier.. guardian niya ako. Kaya dahil responsable akong tao. Hindi ako papayag. Ayokong mapalapit siya sa taong katulad mo."

Tumawa siya sa sinabi ni Justin "Di ka pa rin nagbabago Les"

"Yan nga rin dapat sasabihin ko sayo eh" Kalmado niyang sabi. Hinawaakan niya kamay ko "Aalis na kami" Paalam niya sabay hatak sakin at hindi man lang hinintay sumagot si Sir Jillian. Narinig ko pang sumigaw siya ng 'happy birthday' dahil naka red siya. Bakit sila nagaasaran?Naguguluhan ako, napakadami kong gustong itanong pero hindi ko muna pinansin, ang inisip ko lang naman yung order namin. Habang naglalakad kami nakatingin ako sa Mcdo fries na kanina ko pa gustong isawsaw sa sundae at ang chicken na kanina pa nakikipag usap sa tiyan kong walang laman.

pumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin kasi nagsimula na akong masaktan sa higpit. Pansin kong ilang beses niya na nagagawa sakin "Napaka neto!" Sigaw ko sakanya.

"Bakit ka nagsinungaling!?" Sigaw niya rin sabay punas ng noo niyang wala nmang pawis

"Anong gusto mong sabihin ko? Teka magkakilala na pala kayo dati, ano bang problema niyo sa isa't isa?" Naiirita kong sabi habang nakatingin sa malayo para di makita yung galit niyang mukha.

"Ewan ko sayo!" ginulo niya buhok niya habang sumisigaw tapos bigla na lang akong iniwan

"Oh san ka pupunta!" Tanong ko sakanya kasi hindi ko naman alam kung saan siya nagpark pero di niya parin ako pinansin "Bahala ka, palibhasa kasi di ka pa gutom, papahatid na lang ako kay Sir Jillian!" SIgaw ko sakanya

Huminto siya sabay turo sakin ng nababanta "Sige subukan mo lang" Sabay alis.

Ibang klase talaga. Anong gagawin ko? Siyempre niloloko ko lang siya na kay sir Jillian ako lalapit pero ang totoo dito lang din ako eh.. Nakakainis! nilabas ko phone ko, wala akong ibang choice kundi tawagan si Chris. Hinanap ko sa contacts ko number niya at nang ida'dial ko na biglang may nag'horn sakin.

Nilingon ko kung kaninong kotse, Kay sir Justin. Sa sobrang inis ko di ko siya pinansin at naglakad na lang palayo. Ayoko siyang makasama lalo na sa kotse niya baka di ako makapagtimpi. Nakakasawa yung paulit ulit na pagshift ng mood niya.

Napansin ko di na niya ako sinundan, lumingon ako pinapanalangin na nandun parin siya. Wlanghiya talaga yun di ako sinundan naisip ko nga yon pinairal ko pa kaartehan ko. Plus mukhang naililigaw pa yata ako. May dalawang lilikuang eskinita Nag Minimaynimo na lang ako kung alin dun daanan ko kaya sa kana ako kung saan naturo. Humigpit pagkakakapit ko sa phone ko nung magsimulang makaramdam ako ng sumusunod sakin. Sinubukan kong bilisan lakad ko at pinakiramdaman ang nasa likod ko, hindi na ako nagdalawang isip pang tumakbo nang magmadali rin siya. Pero pagdating sa takbuhan mahina ako, mahaba nga legs ko pero mabagal talaga ako tumakbo. Kaya bago pa ako makatakas nahablot na ako at tinakpan bibig ko. Sinuntok suntok ko lahat ng maabot ng kamao ko. Kaso malakas siya masyad at binuhat na lang ako.kaya nakasigaw na ako.

Concealed Mutual Feelings (Student/Teacher Relationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon