Isaiah 55:8-11
8 "For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways," declares the Lord.
9 "As the heavens are higher than the earth, so are MY WAYS HIGHER than your ways and MY THOUGHTS HIGHER than your thoughts.
10 As the rain and the snow come down from heaven, and do not return to it without watering the earth and making it bud and flourish, so that it yields seed for the sower and bread for the eater,
11 so is MY WORD that goes out from my mouth: IT WILL NOT RETURN to me empty, but WILL ACCOMPLISH WHAT I DESIRE and ACHIEVE the PURPOSE for which I SENT IT."LESSONS/REFLECTIONS:
One of my favorites . Dahil habang binabasa po natin ang mga verses ng Isaiah 55:8-11, sinasabi po ng Panginoon:
"(Verse 8-9) Huwag kang mag-alala anak, kung hindi mo nakikita ang magandang hinaharap, kung sa tingin mo wala ng pag-asa, imposible nang mangyari ang gusto mo, kung sa tingin mo wala ng pagbabagong mangyayari...
TANDAAN MO, iba ang pag-iisip KO sa pag-iisip MO, at iba ang pamamaraan KO sa pamamaraan mo. Tulad ng langit na mas mataas kaysa sa lupa, HIGIT din ang AKING pamamaraan at kaisipan.
Ang hindi mo naiisip at nakikita, ay naisip Ko na at nakita Ko na sa hinaharap.
Kaya patuloy ka lang MAGTIWALA sa AKIN. PATULOY KANG MANAHAN sa AKING mga PANGAKO AT MGA SALITA. MANGYAYARI at MANGYAYARI ITO SA AKING PAMAMARAAN.
(Verse 10-11) Ang ulan at nyebe ay mula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman para makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao.
Ganyan din ang AKING mga SALITA, HINDI ITO MAWAWALAN ng kabuluhan. ISASAKATUPARAN nito ang aking ninanais, at ISASAGAWA ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala.
Kung sinasabi ko sa iyong magtatagumpay ka, kung sinasabi ko sa iyong uunlad ka, kung sinasabi ko sa iyong magkakaroon ng pagbabago, kung sinasabi ko sa iyong lalago at darami kayo, kung sinasabi ko sa iyo ngayon kung ano ka sa hinaharap, MAGTIWALA ka. MAYROON na akong plano, at HINTAYIN mo ang GAGAWIN ko sa buhay mo.
AKO ay tapat, kaya patuloy kang MANAHAN sa AKING mga pangako. Patuloy kang MAGTAPAT sa Akin, at masusumpungan mo ang mga plano ko para IYO". SABI NG PANGINOON.
Wow! What a great revelation! Prophetic po tayo ngayon. And I am so blessed!
Thank you Lord for the encouragement to go on, to keep on trusting you, regardless of what we think, & our capabilities. Thank you so much Lord. I will keep on TRUSTING YOU, and patiently wait for YOUR PROMISES. Hallelujah! In Jesus' Mighty Name, Your Beloved Son, our Saviour! Amen and Amen!
# IsaiahSeries
Short Notice:
This is NOT my work this is from the group "What I Learned Today"
https://www.facebook.com/groups/733084580176033/permalink/734037076747450/
I shared this on wattpad to evenly spread the words of the Lord. Take this as your daily spiritual Vitamin. God bless everyone <3
BINABASA MO ANG
What I learned today
SpiritualThe objective of this book is to learn, to study, to encourage, to edify, to inspire and share Jesus, His gift of salvation, and His unending love to men.