ralston p0v

19 0 0
                                    

Sinusundan ni Ralston si rein hindi naman sekreto sakanya ang pag gimik nito kapag gabi at alam din iyun ng daddy nito basta ang utos sakanya ‘keep distance.’

Masyado kasing inalagaan ito ni Fernan kaya ngayon mahirap ng putulin ang sungay nito na my katigasan at haba na rin.

“hirap sa spoiled brat , ang sakit sa ulo”

Walang kahirap hirap nitong tinalon ang gate nila na medyo may kataasan din.

Kung sa ibang pagkakataon siguro baka humanga siya dito dahil sa mga kaya nitong gawin na hindi aakalain dahil mukha itong sweet girl, mahinhin pero pag pantalunin mo at mag sparring kayo … naku! Magumpisa kanang magbalot ng foam sa katawan mo dahil malakas at masakit manuntok.

“Bakit sino bang nagsabi sayo na tanggapin mo ang trabaho na iyan ?” anang ng maliit na tinig sa isip niya.

“san naman kaya ang lakad ng lukaret na ito?” tanong niya sa sarili

Patuloy lang siya sa pagsunod dito.

She entered in a small dark place.

Sobrang dilim.

Amoy dugo rin.

“kumakain o pumapatay kaya sila ng tao Para ma emphasize na vampire sila?” natanong niya sa sarili

base kasi sa mga mood ng mga kasamahan nito hindi iyon imposible.

Amoy chongke ang lugar.

Chongke means shabu o droga.

Mausok sa loob mahirap huminga ang sakit pa sa mata ng ilaw kung ilaw pa ba iyun na matatawag. Kulay red and green ang ilaw.

Para siyang nasa horror tunnel sa napasukan niya. Mga nakaitim lahat ng tao my mga sungay na umiilaw yung pang sa Halloween lang makikita.Parang mga bata.

May mga plastic na tao na nakabitin at my nakalawit na puso pag pinindot yung puso na nagsisilbing pump mag si-circulate ang dugo sa loob ng tao.

He got sight of what he smelled a while ago my isang lalaking naka upo sa mini bar ang sumisinghot ng pulbos.

Nang alok ito sa kasamahan.

Ipinasa kay rein.

“makakalabas ata ako ng di oras dito kapag kinuha nya yan” bulong niya sa sarili

“hey! Try mo lang men, masarap to makakalimutan mo ang problema sa anino mong kulugo” alok ng isang lalaki kay rein.

Humagalpak naman sa tawa ang mga kasamahan nito.

Kulugo?

Nagpantig ang tenga niya dun.

Are they pertaining to him?

“yeah men makakalimot ka talaga pag tumikim ka saka konti lang naman e, huwag mo lang gawing habit” sulsol ng isang babaeng mukhang my mukha

“pero kung uulit ka?! Aba! Ibang usapan na yun” saad ng lalaking mapungay na ang mata.

May tama na ng droga.

Tiningnan lang nito muna ang droga.

 “hey! Ngayun lang naman ito e, saka wala naman makakaalam na tumira ka” sulsol ulit ng isang babae na apple ang hair style.

my butler is a serial kisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon