PROLOGUE 💖⏳

397 11 0
                                    

Prologue

Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?

Di porket nandyan ang mga bago kong mga kaibigan ay masaya na ako ganun?

Sa tingin mo ba hindi ako nalulungkot kapag hindi kita kasama?

Sa tingin mo ba hindi kita hinahanaphanap kapag wala ka?

At sa tingin mo hindi ako nagseselos dahil sila na ang mga tinuturing mong kaibigan tapos ako dedma, ganun?

Gusto kong lumapit sayo pero ikaw mismo ang nagtataboy sa akin palayo.

Gusto kong makasama kang muli pero ikaw tong sadyang nagtatayo ng malaking pader sa pagitan natin na hindi ko kayang akyatin.

Gusto kong kausapin ka pero ikaw itong umiiwas.

Napapagod din naman ako pero bakit ang puso ko na ang nagdikta na huwag akong sumuko sayo?

Bakit parang nagbago ka na?

People do change nga ba talaga? O ikaw pa rin kaya ang taong kaibigan ko na nakasama ko sa masasayang alaala kong bitbit ko pa rin ngayon?

Pero tandaan mo Daniel na minahal ka ng isang Layla Kelley Mendoza kahit ano ka pa man.

Masking inamin mo nang bakla ka pa. At patuloy na iniibig ka. Tandaan mo yan.

Please read my story. Arigato gosaimasu!!

Bakla, Mahal Kita! 👫💑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon