chapter 14

275 20 0
                                    

"mama ingay mo " sabi ni Giane kaya nilingon ko ito at buhat buhat silang dalawa ni Ian .

si Kiane naman kinukusot pa yung mata nya , anong oras na ba ? bakit andito na to

"5:30 na" sabi ni Ian kaya kinunutan ko sya ng noo , siguro may power talaga syang mabasa yung nasa utak ko

"kayong dalawa ,hindi kayo natulog ano?" bintang ko sakanila pero halata naman na natulog sila gusto ko lang bwisitin

"natulog ako ahh, baka si kuya hindi " sagot agad ni Giane pero si Kiane mukang wala pa sa sarili at halatang kagigising lang , pero hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Giane at kumuha ako ng tubig sa ref. at nag timpla ng juice

maya maya ay may yumakap na unano sa hita ko

"mama pansinin mo ko , promise natulog ako peksman " sabi ni Giane

"oo na, natulog ka na " sagot ko sakanya tyaka pinag patuloy ko yung pag titimpla ko

"hindi ka naniniwala eh , napilitan ka lang , kulit mo naman mama natulog nga ako " sabi nito , abat ako pa talaga yung makulit

"ano bang sabi ko ?" tanong ko sakanya

"napilitan ka lang ehhh , gusto ko sincere tapos mag promise ka na papansinin mo ko " sagot nito at ngumuso pa hahaha kaya piniga ko yung nguso nito

"pag ayan nahanginan , nakanguso ka na lagi panget ka na " sabi ko sakanya kaya mabilis tong ngumiti sakin hahaha

"ganyan , kanino ka ulit mana?" tanong ko sakanya

"sayo po mama , maganda po lahi natin " sagot nito

"very good " sabi ko sakanya

"mama lima sakin ahhh " sabi nito

"ikaw ang takaw mo talaga " sabi ko rito, kaya bumalik ito sa ama nila at nag pakandong din

"kuya paramihan tayo ng makakain yung matatalo pipitikin yung ilong ahhh " sabi nanaman nito

"ayoko nga " sabi naman ng isa

"ikaw papa , paramihan tayo ng kakainin tapos pipitik kita sa ilong " sabi nito sa ama nya

"wag papa , matakaw yan matatalo ka" sabi naman ng isa , at parang na eenjoy lang si gago na panuorin yung dalawa

"wala takot kayo parehas " sabi nanaman nito nako talaga

"isa lang sayo " sabi ko sakanya

"mama pag ako namatay mumultuhin kita ayaw mo ko pakainin " sabi nito

"ang OA mo ahh " sagot ko rito tyaka ako nag salin ng juice sa baso

"syempre pag hindi ako kumain, mamatay talaga ako " sabi nito, tapos natawa lang yung ama nitong magaling

"diet ka muna anak " sabi ko sakanya

"pag ako talaga namatay mama , wala ka ng poging anak " sabi nito sakin hahahaha

"meron pa, si Kiane " sagot ko sakanya

"di mo ko love " sabi nito at mangiyak ngiyak na

"sige na nga , iiyak ka na eh " sagot ko sakanya hahaha

"anim na sakin " sabi nito

"kanina lima lang sabi mo ahh " sabi ko rito

"wala nagutom ako , ikaw kasi mama " sisi nito sakin ,

walastik may dinosaur sa tiyan tong anak ko na to ,konting kibot gutom agad . si Kiane naman at nag tungo sakin tyaka ito nagpakandong , pagkakandong ko sakanya ay sumiksik ito sakin

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon