Chapter 19

246 15 6
                                    


ANDITO ako ngayon sa salas , nakikichismis sa facebook , grabe updated talaga dito pag dating sa issue. By the way si Justine ay tinuturuan ni teacher Jen ,andoon din si Kiane at Giane nakikigulo kunwari daw classmate sila ni Justine.

tapos dumating si Ian galing sa labas ,kasi may kausap to kanina sa cellphone nito ewan kung sino hindi naman ako interesado sa business na yun. Nagulat nalang ako ng bigla itong humiga sa hita ko at pinikit nito yung mata nya

"Ian doon ka nga matulog sa kwarto ginawa mo pa kong unan " reklamo ko sakanya, pero hindi ako nito pinansin at nakapikit lang ito , hayup sa gwapo.

ewan ko ba pero parang may sariling buhay yung kamay ko at bigla ko nalang sinuklay yung buhok nito gamit yung daliri ko.

"Ian kung matutulog ka , pumunta ka doon sa kwarto wag dito " sabi ko sakanya kasi mukang nahihirapansya sa position nya ngayon , nagulat ako ng padabog itong tumayo, at narinig ko pang padabog yung pag sara nya ng pinto

anyare dun ? ang bait ko na nga kasi naisip kong nahihirapan sya pero sya pa tong galit ,bahala nga sya kaloka ahh dinaig nya pa babaeng may regla ,

matawagan na nga lang si inang kalikasan , ka boring ditey

(hello) sagot ni nanay

"hi nay" sagot ko sakanya

( anong kautuan nanaman sasabihin mo?) tanong nito sakin kaya napanguso ako kahit hindi nya naman nakikita grabe

"nay kautuan agad ? hindi ba pwedeng namiss mo lang ako este na miss pala kita" sagot ko sakanya

(ewan ko talaga sayong bata ka , buti nalang talaga at maganda ako at nag mana ka doon ) sagot nito sakin

(ang hangin nyo ) rinig kong sabi ni amang hari , siguro naka loud speaker nanaman cellphone ni nanay ang binge kasi

"hahahaha" tawa namin ni nanay

"kunwari pa si tatay , kaya nga patay na patay sya sayo , diba nay" sabi ko

( Ysay ) sabi sakin ni tatay

"ano yun tay? na miss mo ko?" tanong ko sakanya

(haha syempre prinsesa ka namin ng nanay mo , pero mas na miss ko sila kambal ) sagot nito grabehan talaga pero at least diba na miss din ako

"yieee kaya sayo ako tay eh , i love you na " sabi ko rito

(wag kang maingay baka mag tampo nanay mo ) sabi nito sakin

"ganun , tay lambingin mo kasi " sabi ko rito ng pabulong

(ayy ewan ko sainyong mag ama ) rinig kong sabi ni nanay hahaha

(kailan ko ba makikita yung mga apo ko?) tanong sakin ni tay

"gusto nyo ngayon tay ? susunduin ko kayo " sagot ko rito

( sa sabado o linggo nalang panigurado may iskwela yung dalawa) sabi nito sakin ,

sasagot na sana ako pero parang may nakamasid sakin kaya lumingon ako sa likuran ko at tama nga ako nakatingin sakin si Ian na hindi may drawing yung muka. Kaya tinaasan ko ito ng kilay .

"why you didn't follow me?" tanong nito sakin.

"bakit kita susundan aber? " balik kong tanong sakanya , tyaka ko sya tinalikuran.

"hello tay anjan ka pa ba? " tanong ko pero mukang pinatay na nito yung tawag ,hanep naman kasi si Ian the kapre ehh hindi ko pa napag titripan si inang kalikasan.

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon