Chapter 31

247 18 1
                                    


Ian P.O.V

Tinanggal ko yung buhok ni Ysaballe na nakaharang sa muka nya , She's sleeping peacefully right now.

'I'm a lucky bastard to have you and our twin '

Hinalikan ko yung noo nito bago ko inayos yung comforter. Pagkalabas ko ay nag tungo ako sa kwarto ng kambal at pinuntahan yung sinabit ng mga ito.

"what should I put inside ?" tanong ko sa sarili. Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas .

"ohh iho narito ka pala , nasaan yung mga apo ko ? sabi nila dito daw yung silid nila " sabi sakin ni tatay. (Ysabelle father )

"ahh dumating na po pala kayo , nasa kwarto namin yung mga bata tay" sagot ko rito tyaka ko kinuha yung medyas na malapit sa bintana .

"si Ysay ?" tanong nito .

"natutulog po " sagot ko

"ganun ba , siguro ay napagod " sagot nito na kina tigil ko . Napagod ko nga ata.

"kung ano- ano nanaman siguro yung pinag gagawa ng bata na yun , pag pasensyahan mo na sya iho sadyang matigas talaga bungo ng anak ko na yun " dagdag pa nito..

"sanay na po ako " sagot ko rito .

"ano bang ilalagay mo jan ?" tanong nito sakin habang nakatingin sa medyas na hawak ko .

"To be honest.  I don't know what should I put inside " sagot ko at bumuntong hininga .

"wala din po akong 20 pesos bill na sabi ni Ysabelle "  dagdag ko pa .

"ganoon ba , kumuha ka ng papel at sulatan mo ng tawad muna " sabi nito . Kaya nilingon ko sya at mukang seryoso ito sa sinabi nya .

"naalala ko noong ganung edad palang si Ysay , ganun lagi yung ginagawa ng nanay nyo kapag nakakalimutan nitong bumili ng laruan o regalo pero kinabukasan idinadala namin si Ysay sa pamilihan at hinahayaan syang mamili ng gusto nya " kwento nito at tila iniisip panahon na yun .

Siguro nga ganun nalang din gagawin ko , hindi ko rin naman alam kung ano yung gusto ng kambal.

"sige iho mauna na ko sa baba gisingin mo nalang yung mga bata at mag aalas dose na din " sabi nito kaya tumango nalang ako.

Pumunta muna ako sa opisina ko rito sa bahay at nag print ng maliit na Christmas card . tyaka ko sinulatan ng

'tommorow buy anything you want ' ~ santa .

tyaka ko nilagay sa medyas na sinabit ng kambal , bumalik din ako sa kwarto ni Justine tyaka ko pinalitan ng card yung pera na nilagay ko. Thanks to tatay idea.

Nagtungo ako sa kwarto namin para gisingin yung mga bata. Pagkadating ko doon ay naabutan ko silang iba iba yung posisyon si Justine nakayakap kay Kiane , si Giane naman nakadapa sa paanan yung kamay nito ay naka lagpas na sa kama na kinailing ko nalang .

"Giane " sabi ko rito tyaka ko tinapik yung hita nya . kaso mukang mahimbing yung tulog nito kaya bunihat ko ito at inayos yung higa nya sa tabi ng kambal nito kaso nagising ito ng ilalapag ko na sya .

"papa , Christmas na ba?"  tanong nito sakin .

"hmmm" tugon ko sakanya kaya umupo ito at kinusot yung mata nya, tapos nilingon nya yung dalawa na natutulog pa at bigla nya itong dinamba na kinagising ni Justine. Si Kiane naman tulog parin .

"bakit ?" tanong ni Justine na inaantok pa.

"gising na , kainan na " sagot nito na kinatawa ko .

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon