Chapter 22

268 15 2
                                    

Nakatanga ako ngayon at pinapanuod ko yung apat na nagkakaladjaan. Kawawang Ian pinag tutulungan ng mga itlogs haha. Nagulat ako ng bigla ako nitong hilain.

"papa madaya ka" inis na sabi ni Giane

"nababakla si papa " sabi ni Kiane ng nakangisi , pisting bata to Ian na Ian ahh

"anong sabi mo ?" tanong ni Ian kay Kiane kaya tumakbo yung itlog ko na masungit at hinabol naman sya ng ama nila.

"wahhhh Giane , Justine help " sabi nito habang tumatakbo kaya nakihabol din yun dalawa.

"sinong nababakla ah?" tanong ni Ian rito ng mahuli nya si Kiane , kaso may lumanding na tsinelas sa muka nito , kaya nakawala si Kiane .

"sapul " sabi ni Giane, sinamaan sya ng tingin ng ama.

"patay " sabi ni Justine na naka ambang babatuhin din si Ian.

"dali takbo kay mama" sabi ni Kiane tyaka sila nag tungo sakin at nag pakandong.

"hahaha " tawa ko kasi hindi maipinta yung muka ni Ian the kapre

"mama ang galing ko diba?" tanong sakin ni Giane

"oo nak , ang galing mo , pero bad yun wag mo ng uulitin ahh" sabi ko rito tyaka ko sya kiniss

"ako walang kiss , ako yung binato nyan eh" reklamo ni Ian.

"sorry na papa , akin na kikiss ko" sabi ni Giane at bumaba sakin tyaka nag tungo sa ama nito

"tignan mo Justine lalawayan nya si papa" sabi ni Kiane

"gross " sabi ni Justine , kaya hinalikan ko yung pisngi nito

"gross ba? hindi naman " sagot ko kay Justine na nakahawak sa pisngi nito haha , si Kiane naman humaba yung nguso nya.

"tampo naman yung bebe ko " sabi ko kay Kiane tyaka kami nag nose to nose bago ko sya kiniss.

"ako din nag tatampo " sabat ni Ian at ngumuso pa. Ang cute pag sila kambal gumawa nun bakit nung si Ian na ang sagwa.

"mama kiss mo din si papa " sabi sakin ni Kiane na kinalaki ng mata ko. Abat siraulong itlog to. Si Ian naman nagpabebe pa kunwari nako naman.

"mama kailangan ng kiss ni papa , kulang pa yung kiss ko masakit pa daw. " sabi din ni Giane at talaga hinawakan panito yung pisngi ng ama nila.

"dali na tita" dagdag pa ni Justine , bwiset tong mga to.

kaya lumapit ako kay Ian the kapre para halikan yung pisngi nito na binato ni Giane.

"ikaw ang shunga mo din , bat kasi hindi ka umiwas " reklamo ko sakanya , tyaka ako tumungtong sa sofa kabanas ako pa nag adjust bakit kasi ang tangkad nya , hindi man lang nag donate sakin.

Nang ikikiss ko na yung pisngi nito ay bigla itong humarap ending nag kiss kami sa lips. tapos nakita ko syang ngumisi kaya sasapukin ko sana kaso na pigil na yung kamay ko.

"Yieeeee nag kiss sila " asar samin ng mga itlog tapos nakatakip pa ng mata pero nakasilip naman sa pagitan ng daliri nila.

"kayo pinagkaisahan nyo ko " sigaw ko sakanila pero tumawa lang yung tatlong itlog tyaka nag tungo sa ama nila.

"Good job " sabi ni Ian sa mga to.

"papa ahh ibibili mo kami ng kala--

kaso mabilis tinakpan ni Ian yung bunganga ni Giane. Kaya sinamaan ko sila ng tingin. Pesteng Ian sinubulan yung tatlo mga balimbing. Kainis walk-out queen ang peg ko ngayon.

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon