Chapter 25

243 18 2
                                    


Andito ako ngayon sa kubo nakatanga  ,dalawang araw na mula ng mailibing ito ,di ko parin matanggap na wala na si nanay , na iniwan nya na kami.Hanggang ngayon , paulit ulit parin na nag rerecall sa utak ko yung nangyari , sinalo lahat ni nanay yung bala , niyakap nya ko hinarang nya yung katawan nya .

Na mimiss ko na yung sermon nyang paulit ulit , kahit kabisado ko na yung mga yun. Yung pag trato nya sakin na parang batang paslit parin. Yung pang iinis ko sakanya. Until now pinipilit ko parin magpakatatag. Si tatay naman bumalik muna sa probinsya , sabi ko nga dito nalang sya sa bahay pero ang tigas ng ulo nito kaya pinahatid sya ni Ian doon .Hanggang ngayon wala parin nakukuhang information yung mga pulis , sabi pa nila baka daw napagkamalan lang kami . Pero hindi eh tinanong pa nito kung anak ako nila nanay ,tapos sinabi pa nito na may nag utos sa kanya na patayin ako . Sa pagkakatanda ko wala naman akong ginagawang masama except sa mga kalokohan ko sa mga kaclose ko .

"mama bakit sad ka nanaman " reklamo sakin ni Giane at nagpakandong ito .

"sad hindi naman ah " sagot ko sakanya tyaka ko kinurot yung magkabilang pisngi nito.

"bawal mag sinungaling mama , tulala ka kaya kanina pa kita tinatawag eh" sabi nito sakin

"anak naman nag sesenti ako eh, you know moment mag isa  " reklamo ko rito

"mama alam mo ba si papa -

"why me ?" tanong ni Ian at buhat nito si Justine at Kiane.

"narinig ko may secret sila ni ate Marian" sumbong nito sakin , kaya tinignan ko si Ian na parang hindi makapaniwala .

"wife don't believe him " agarang sagot nito .

"mama bad mag sinungaling " sabi naman ni Giane .

"Giane stop bullying papa" sabi ni Kiane tyaka sila bumaba ni Justine.

"KJ ka talaga kuya " sagot nito.

"you "  sabi ni Ian kay Giane tyaka nya ito kunuha sakin at kinaliti .

"hahaha mama hahahah tulong " sabi nito na kinangiti ko nalang

"you always gang me " sabi ni Ian

"wahahahaha kuya" tawa parin ni Giane .

"hahahaha papa hahaha a-ayaw ko na " sabi nito sa ama nila .

"Kuya help hahahaha " sabi parin ni Giane kaya bumaba si Kiane at dinamba si Ian .

"Kiane mahulog ka ah" sabi ko rito pero kumapit ito sa buhok ni Ian .

"takbo papa" sabi nito at ayun kawawang Ian the kapre naging tikbalang ,ginawang kabayo ng mga nuno sa punso este unano pala haha.

Ganto lagi yung senaryo simula ng mawala si nanay lagi akong nililibang ng mga itlog ko , kaya laking pasalamat ko na wala sila doon sa bahay nung mga oras na yun kung hindi baka nabaliw na ko . Walang pasok ngayon yung dalawang itlog kasi may pupuntahan daw teacher nila. Si Ian naman may saltik yan papasok lang pag gusto.

kaso biglang seryoso yung muka ng apat ng bumalik sila sa kubo , ano kayang nangyari ?

"Wahhhh " sigaw ko ng bigla akong buhatin ni Ian .

"go papa , go daddy " sabi ng tatlong itlog bwiset may plano pala sila .

"oyy Ian the kapre ibaba mo ko " utos ko rito .

"hindi pwede" sagot nya sakin at bigla akong hinagis sa pool . kaya medyo nakainom pa kong tubig pisti kadiri. Narinig ko rin na tumatawa yung apat na maligno isa kapre at mga nuno. Pinag tutulungan nyo ko ahhh kaya hindi ako umahon at nag lunod lunudan .

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon