Andito na kami ngayon sa bahay , isang araw lang ako sa hospital oa kasi ni Ian the kapre pwede naman ng umuwi eh.
Pero hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni Cathy. Ano kaya yung plano nila ? hayst bat kasi hindi ako ka join , Ughhh kairita.
"oyy , oyyy , oyyy " pigil kong tawag kay Marcian na papasok ngayon sa loob .Andito kasi ako sa labas naka tanga lang hehe.
"ano yung Ms. ?" tanong nito sakin.
"Diba may usapan tayo ?" tanong ko sakanya , syempre binonggahan ko yung ngiti ko .
"Ang creepy ng ngiti mo" umiiling na sagot nito " pero ano ba yun ?" tanong nito.
"Diba nga kasi , may favor ako sayo diba" sabi ko rito tyaka ako tumayo at lumapit sakanya, kinawit ko pa yung kamay ko sa braso nya.
"Diba magaling ka makipag bakbakan ? suntukan , karate , samurai , barilan genern" tanong ko sakanya.
"maybe " alanganing sagot nito .
"ikaw naman " sabi ko sakanya tyaka ko sya tinulak ng konti.
"tuturuan mo lang naman ako eh " sabi ko sakanya.
"Nako Ms. alam ba ni Boss to ?" tanong nito sakin
"Favor nga diba ? syempre hindi nun alam " sagot ko rito.
"Ano yung hindi ko alam ?" biglang tanong ni Ian, Grrr. kairita.
"Wala! bakit ba para kang kabuti. Sulpot ka ng sulpot " sagot ko sakanya. Panira lagi , ibang klase tong engkanto na to.
"What is it ?" tanong nito tyaka nya hinapit yung bewang ko pero kay Marcian sya nakatingin.
"Kasi boss , nag papaturo po si Miss na -- " tumingin pa ito sakin ng alanganin tapos umiwas din *pout* sira yung plano ko . "na makipaglaban " tuloy nito.
"Is that true ?" tanong nito sakin.
"oo , kasi naman eh gusto kong matuto para incase na makidnap ulit ako hehe " alanganing sagot ko sakanya.
"No, ayokong hahawak ka ng baril or kahit anong sandata " sagot nito .
" Ehhhh ??"
"Iannnn please" pagpapaawa ko sakanya na parang bata .
"edi sige wag nalang , ako nalang mag sasanay mag-isa manunuod ako sa YouTube " irap ko sagot sakanya tyaka ko aya tinalikuran . Walang makakapigil sakin .
"tch, fine " labas ilong na sagot nito .
"Papayag din pala eh , kung ano ano pang nalalaman mo. Tara na " sabi ko tyaka ako lumapit kay Marcian , at kinawit ko ulit yung kamay ko sakanya.
"tch . ako mag tuturo sayo " sabi ni Ian.
"sabi ko nga , ikaw . Wait lang mag chechange outfit lang ako yung pang malakasan " sabi ko rito.
"wear something not revealing Ysabelle" rinig kong sigaw nito. OA ahh yung papanuod ko sa tv naka black na sando tyaka leggings lang, revealing ba yun ? sexy nga yun eh.
Pagkabalik ko ay nakaupo lang si Ian sa couch. Kaya pumamewang ako sa harap nito.
"Akala ko ba tuturuan mo ko bat nakaupo ka pa jan ?" reklamo ko sakanya.
"Kaya nga , Did you see that " sabi nito tyaka nya tinuto yung mga papel sa lamesita.
"ohh tapos ?" tanong ko sakanya .
"read that." sagot nito sakin.
"Ano ? Sabi mo tuturuan mo ko. Bakit mag aaral ako ?" reklamo ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Together Again [COMPLETED]
RomanceSeries 2: Ysabelle Climente and Ian Herron's story Date started: July 10 ,2020 Date finished: December 14, 2021
![Together Again [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/91919557-64-k779345.jpg)