Chapter 26

245 16 4
                                    

Kasalukuyan kong pinapatulog si Giane kasi nilalagnat ito. Ewan ko ba kung bakit to nilagnat basta pag gising ko kanina ay naglalambing na ito nun pala may lagnat na .

"hey , why you still not prepared ? " tanong sakin ni Ian kaya nilingon ko ito.

"ikaw nalang pumunta , may lagnat si Giane " sabi ko rito

"hindi nalang din ako pupunta " sagot nito sakin

"Ian , nangako ako kay Stella na pupunta ako tyaka birthday ni William the engkanto ngayon, kaya ikaw nalang yung pumunta , nakakahiya sakanila " sabi ko rito .

"sige , pero saglit lang ako doon , uuwi din ako agad " sabi nito na kinatango ko nalang.

"Kiane , masama pakiramdam ng kakambal mo wag ka jan mag mag laro " bawal ko rito na kina nguso nito .

"sabi nya ok lang naman " sagot nito sakin kaya kinandong ko ito.

"anak wag na matigas ang ulo" inis na sabi ko rito.

"mama sorry na, wag kang gagalit sakin , behave na ko " sabi nito at humiga tabi sa kakambal nito.

"Giane, bilisan mo gumaling ahh , ibibigay ko sayo yung isang ibon " sabi nito sa kakambal nya kaya napailing nalang ako.

"Giane may gusto ka ba anak ?" tanong ko rito, pero umiling lang ito.

"mama " tawag sakin ni Kiane , alam kong may gusto to pero hindi nya masabi .

"ohh? " tanong ko sakanya

"Gusto ko po ng bananacue" sabi nito at umiwas ito ng tingin.

"sige mag luluto lang si mama ahh, Kiane bantayan mo muna yan ah ,kung maglalaro ka jan ka mag laro sa carpet " bilin ko rito. Pagkalabas ko nakasalubong ko si Justine

"tita where are you going? " tanong nito sakin

"magluluto ng saging " sagot ko rito

"tita can I help you? , I swear hindi ako mang gugulo " sabi nito, kaya ginulo ko yung buhok nito .

"ohhh sige , halika na " sabi ko rito tyaka ko sya binuhat

"tita turon po ba iluluto mo?" tanong nito sakin

"bananacue iluluto ko ngayon " sabi ko rito.

"what is it ?  but I'm pretty sure its still the best " sabi nito sakin kaya napangiti ako .

"syempre ako pa ba " sagot ko sakanya tyaka ko sya kinindatan.

"ohh ayan ikaw mag balat ng saging" utos ko kay Justine tutulong daw sya eh .Pagkatapos nyang balatan ay iginulong ko ito sa asukal then pinirito ko.

"Justine ohhh tikman mo " sabi ko rito tyaka ko nilagay sa platito.

"hipan mo ahh mapapaso dila mo" bilin ko rito .

"tita its taste like a turon too but doesn't have a wrapper" sabi nito habang hinihipan yung slice ng saging. Makalipas lang ang ilang minuto ay tapos na kong mag luto.

"done tapos na " sabi ko .

"tita can I have some ?" tanong nanaman nito.

"Justine nasa bahay lang tayo wag kang english ng english , you know medyo stress yung brain cells ko nitong nag daang araw. " sabi ko rito na kinakamot nya ng ulo. Hala baka may kuto sya, kailangan kong bumili ng suyod ang hilig nilang mag kamot eh.

"halikana , dalin na natin to sa kwarto nila kambal. Doon ka nalang ulit umulit" sabi ko na kinatango nito at kinuha yung tinidor na ginamit nya tyaka yung plato na may bananacue .
Sya na daw yung mag dadala nun kaya ako na nagdala ng pitcher at dalawang baso.

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon