Chapter 23

248 16 4
                                    


Today is Sunday so its mean mag sisimba kami. Kaso tulog pa yung mga katabi ko. Kaya dahan dahan akong bumangon at nag tungo na ko sa kusina . Habang nag kakape ako ay nag luluto na rin , para makakain muna kami bago umalis baka kung ano ano nanaman yung ipabili ng mga bata na yun .

Pagkatapos kong ihain yung mga niluto ko ay  tinawagan ko si inang kalikasan.

"hello nay?" bati ko rito.

(gising na ba yung mga apo ko? ) bungad nito sakin

"hindi pa nay , anong oras po ba yung misa ngayon?" tanong ko rito

(ayy nako , gisingin mo yung mga yun para makagayak na ) sabi nito sakin

"nay nga pala , turuan mo ko gumawa ng biko mamaya ah?"  sabi ko rito

(ohh sige, at ihahanda ko na yung mga gagamitin mamaya, hintayin nalang namin kayo ng tatay mo doon ) sabi nito

"yieeeee sige po, I love you nay " sabi ko rito

(ayy nako ke tanda tanda mo na , I love you din) pagalit na sabi nito tyaka nya ko binabaan , hahaha kunwari pa talaga si inang kalikasan.

"good morning wife " bati sakin ni Ian kaya nilingon ko ito , gusto kong matawa sa itchura nito ngayon .

Dahil buhat nito yung dalawa , si Justine at Kiane . si Giane nasa balikat nito at tuwang tuwang nakakapit sa buhok ng ama nila.

"maganda ka pa sa umaga mama" sabi nito kaya napangiti ako , galing mang bola ng itlog na makulit

"mama ang laki ko na , mas malaki pa ko kay papa" dagdag pa nito

"wag kang malikot mahulog ka " sabi ko rito tyaka ako nag timpla ng tatlong baso ng gatas at isang kape sa kusina . Pag balik ko sa dining ay nakaupo na sila susuray suray pa yung dalawa si Justine at Kiane mukang inaantok pa.

Si Giane naman kumakain na ng hotdog ,kaya iniligay ko sa harap nila timpla kong gatas.

"ang ganda mo tita " sabi ni Justine sakin haha galing ko talaga , ang dali turuan ni Justine.

Tapos ayun kumain na kami , sinubuan ko na si Kiane at etong itlog na to napaka antukin gusto pang matulog, samantalang yung kakambal nito kain na ng kain .

"ako na mag papaligo sa tatlo " sabi ko kay Ian ,kasi panigurado pag titripan nanaman sya ng mga ito at lalo pang mapapatagal.

"mama si papa na" sabi agad ni Giane

"pag sinabi kong ako , ako ah wag matigas ulo " sabi ko rito na kinanguso nya.

----

On the way na kami ngayon papunta sa simbahan , at nakabusangot ako kasi naka pang manang ako , kainis si Ian the kapre. Dapat talaga naka dress ako ehhh kaso grrr. nakakagigil talaga.

"mama smile ka na , maganda ka parin naman eh" sabi sakin ni Giane na naka kandong ngayong sakin.

"ngingiti ako basta hindi ka mag tuturo mamaya " sabi ko rito , at talagang nag isip pa sya .

"hmm hirap naman nun , sige na nga smile na ka na mama " sabi nito kaya napa ngiti na ko tyaka ko pinang gigilan yung pisngi nito .

"ang cute cute talaga ng baby ko " sabi ko sakanya na kinahagikgik nya.

Pagkapark ni Ian ng sasakyan ay lumabas agad yung dalawang itlog ko kaya hinawakan ko yung damit nilang dalawa kasi tatakbo na sa kabila. Nakita kasi nila si nanay at tatay. Nang nakatawid kami ay agad na nag punta yung dalawa kila nanay at tatay .

"lola na miss mo ba ako ? kasi ako na miss ko kayo " sabi agad ng itlog kong makulit

"syempre na miss kayo ni lola , pahalik nga ako apo " sabi ni nanay tyaka nya hinalikhalikan si Giane sa leeg nito na kina hagikgik nito. Tyaka naman nag punta ito kay tatay .
ngayon si Kiane naman yung hinalikan ni nanay.

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon