Chapter 13

286 19 0
                                    


kasalukuyan kaming nagchichikahan ni Rheane sa cellphone ,kinukwento ko yung nangyari sa office ni Ian the kapre, ng biglang sumigaw si Giane

"mama huhuhuhu " iyak nito

"sissy kong maganda ,mamaya nalang ulit ahh at umiiyak nanaman yung bunso ko " paalam ko rito .

(haha sige ate Ysay , kwento mo sakin mamaya ahh) sabi nito , tyaka binaba nito yung tawag

"anak ano nanaman ba ?, nag chichikahan kami ni tita Rheane mo eh " reklamo ko rito

"mama huhuhu " iyak parin nito

"Kiane ano bang nangyari? " tanong ko kay Kiane

"ewan ko rin mama , bigla nalang syang umiyak " sagot nito

"anak ano ba yun ? sabihin mo kay mama , hindi ako manghuhula , may masakit ba sayo? may nararamdaman ka bang hindi maganda?" tanong ko sakanya

"mama huhuhu " iyak parin nito

"anak ano bang nangyayari sayo?" nag aalalang tanong ko sakanya

"Giane sabihin mo kay kuya may masakit nanaman ba sayo?" tanong din ni Kiane

"si orange *huk* nawawala huhuhuhu" iyak nanaman nito , peste

"ano ba naman Giane kala ko kung ano ng nangyari sayo , kala ko napano ka na , tapos yung bwisit na kiti lang yung iniiyakan mo " sermon ko rito peste nadala nya ko dun ahh

"mama huhuhu" iyak nito

"tch, Giane wag mo na uulitin yun"  inis na sabi ni Kiane

"nako ikaw talaga Giane , maaga akong tatanda sayo , tara nga tignan yung kulungan ni orange  ,panong makakawala eh naka sarado naman yun" sabi ko rito tyaka ko sya binuhat si Kiane naman sumunod samin

"ayan mama wala na si orange kinain sya ng kiti na yan huhuhu" sabi nito

"Giane si orange yan" sabi ni Kiane

"hindi si orange yan , kulay white yan kuya " sumpong nito

"Giane anong ginawa mo ?" tanong ko rito

"mama huhuhu pinaliguan ko lang naman si orange " sabi nito kaya napatampal ako sa noo ko

"hahahaha" tawa ni Kiane

"anak kinulayan lang si Orange , white talaga sya pero dahil pinaliguan mo sya nawala na yung kulay na nilagay sakanya" sabi ko

"mama ayaw ko na nyan hindi na sya si orange" sabi nito

"Giane, si orange parin yan nagbago lang yung kulay nya " sabi ko rito

"kaya nga tama si mama , katulad mo lang din diba nung nagkarushes ka nagbago din itsura mo pero ikaw parin si Giane , so parang ganun din si orange " sabi ni Kiane

"ganun , sige sya padin si orange kahit hindi na sya orange " sabi ni Giane

"hello orange na white na" sabi nito sa kiti , kaya pumasok na ko sa loob . ohh myy goshhh na stress ako sa bwiset na kiti na yun pati kay Giane , nakakaloka gawin ko de-old yun eh

"mama" katok ni Kiane sa pinto

"bukas yan anak" sagot ko rito

"mama anong oras darating si papa?" tanong nito

"ikaw ahhh , kunwari ka pa " asar ko rito

"tch" sabi nito kaya nanliit yung mata ko

"hehe , mama I love you po " sabi nito

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon