Notice Me Senpai 3

81 12 3
                                    

Akie

Pagdating palang namin ng bahay, nawala na kagad sa paningin namin si Haru.

"He's probably at the pool right now." Sabi ni Rei.

Sinilip ko siya sa backdoor at nakababad na nga siya sa pool, with his clothes scattered in the ground. Bumalik ako sa main kitchen at nandoon na din si Kuya Kuro.

"Don't tell me?..."

"Yup. He's been wearing his swimsuit under his clothes since this morning." Pagtawa ni Nagisa.

"Seriously?"

"Oo. Pag nakakita yan ng tubig, kahit saan, basta he can soak his body, he'll start stripping." Dagdag ni Rei.

"Hahaha. Delikado pala siya. Buti nalang at hindi siya tumalon sa seaside kahapon."

"Probably because puro batuhan yun Akie." Sagot ni Kuya Kuro.

"Waaaah!!!"

"Ehhhh!!!!"

Sabay-sabay na nagulat sina Makoto, Rei at Nagisa ng marinig nilang magsalita si Kuya Kuro na nasa likod nila.

"Since when did you get-- you get here!!!????" Pagprotesta ni Rei.

"Nandito na ko kanina pa." Matipid na sagot ni Kuya.

Tumawa ako, tsaka naman ang pagpasok ni Kuya Aomine na naglagay ng mga pinamili namin sa kabilang kitchen.

"Masanay na kayo kay Kuya. It happens everytime here. Maski kami nagugulat pa sa kanya."

"Are you for real? Kanina ka pa talaga dito Kuro?" Ask Nagisa na paikot-ikot kay Kuya.

"Yup. Kanina pa pagkalabas ni Akie."

"What's with your diminished presence. You're like a phantom!" Si Makoto. Ang cute niya talaga!!!! Arrgh!

"Well, talent niya yun and a useful one. I haven't experienced that for a long time though." Umupo si Kuya sa high chair.

Dumating naman si Kuya Kagami dala-dala ang white board at marker.

"Para san yan kuya?" Tanong ko.

"Di ba, gagawa tayo ng scheduling sa mga chores dito sa bahay. Uhm. Ayos lang ba sa inyo yun Rei, Nagisa, Makoto?"

They all agreed. Sabi nila, makakabuti naman daw yun sa lahat para maging maayos ang pagtira nila dito.

Kinuha ni Kuya Aomine ang board at agad na nagsulat. Hinati niya muna ito sa dalawang columns.

RULES AND REGULATIONS. Capital letters talaga.

"Akie. Your rules?" Ready na si Kuya sa pagsulat.

"No girls allowed. No partying 'till midnight. Booze are allowed only if you can handle it. Kuya! Ayusin mo naman sulat mo!" Napatingin ako kay Makoto at nagulat ako ng nakatabi na siya sa'kin at tinitignan ang sinusulat ni Kuya. Si Kuya Kagami naman, inaayos na ang lulutuin.

Kuya Kuro's eyeing me meaningfully. Pakiramdam ko nag-iinit ang buong katawan ko at umuusok ang tenga ko.

"Curfew? Meron?" Makoto asked me. Masyado siyang malapit sa'kin, kaya naman I can hear his breathing.

"Ah. Uhm." Umiwas ako ng tingin. "Walang curfew as long as tahimik kayong papasok sa bahay. No violence!" Sinuntok ko ng bahagya ang braso ni Kuya.

He chuckled. "Oo na. Ano pa?"

Tinignan ko ang listahan na ginawa ni Kuya.

RULES AND REGULATIONS

1. No girls allowed (Kise! If you know what I mean!)
2. No partying until midnight (Koganei!)
3. No drinking (that you cannot handle)
4. No topless (Kise and Kagami!)
5. NO VIOLENCE! (For the guests. Especially Akashi. No scissors allowed!)

Notice Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon