Akie
Sabay ang start ng event ng swimming at basketball ngayong araw. Saturday. At kasabay ko ang mga kapatid ko sa pagpunta sa stadium at dun ko na rin imi-meet si Yuri at ang 2 pa naming kamember sa club na magco-cover ng event. Sina Gou naman sa swimming.
Bago umalis sina Makoto, I get to wish them all good luck para sa event nila. Kumpyansa naman akong maipapanalo nilang lahat yun. Sigurado yun! Because they worked hard for it.
Dala ko ang laptop ko sa backpack ko while ang camera ko naman, nakasabit na sa leeg ko and I started to take pictures of Kuya's team. They're all pumped up for the tournament. Nako! Sana maqualify sila!
3 matches ang laro ngayon, last game sila kuya. Bukas, 3 games lang din ulit. Then next week ang semi-finals. Ngayon ko lang sila mapapanood ng malapitan. Nung minsan kasing nanood ako, halos patapos na rin yung match kaya parang wala na lang din. At least makikita ko ngayon kung pano sila maglaro ng seryoso. Yung katulad ng napapanood ko sa mga videos nila. Kung pano yung mga skills nila. Naeexcite talaga ako!
Katabi ko si Kuya Aomine sa upuan ng coaster. Sabi ko kila Yuri sumabay na samin, pero ayaw nila. Nahihiya daw sila tsaka mas malapit daw kung didiretso na sila sa stadium. Sayang nga, pero ayos lang, dun na kami magkikita-kita.
The team is so pumped up kahit na maaga pa. Nakakatuwa lang kasi, I never seen them this excited before. Last tournament na kasi ng kanilang mga seniors at pinangako nila na ipapanalo nila lahat ng laro nila this school year.
After 30 minutes, nakarating na kami ng stadium. At maaga palang, marami ng tao ang pumapasok sa loob.
"Wow! Andaming tao!" Si Koganei.
"Nakakaexcite namang maglaro." Si Taki. "Isa 'to sa mamimiss ko pagkagraduate." Dagdag niya.
"Hey! Don't say such bad things today! Nandito tayo para ipanalo 'to."
"Don't worry I have my lucky item for today." Said Midorima na may hawak na, tape measure? Napakamapaniwala talaga nito sa horoscope.
Tumawa si Takao. "As if naman matutulungan tayo niyang tape measure na yan!"
"Shut up Takao!!!!" Sigaw ni Midorima.
"Aah! I just want to sleep!" Paghikab ni Kuya Aomine na katabi ko.
Nagulat kami ng biglang may kumalabog at napasigaw si Kuya Aomine. Hinampas pala siya sa likod ni Hyuga.
"Don't even think about skipping this match. Tandaan mo, kung sino man ang mananalo sa dalawang team ngayon, may chance na makalaban natin sa semi's."
Hawak-hawak ni Kuya Aomine ang likod niya. "Ba't mo ko hinampas!!!!!!!"
"Tama lang yan para magising ka!" Dagdag ni Kiyoshi.
Katulad ni Kuya, inaantok din si Kise. "Ba't kasi ang aga nating pumunta dito eh mamaya pa tayong after lunch maglalaro!!?" Paghikab niya.
Narinig rin namin ang kalabog ng likod ni Kise at nagtawanan kami.
"Line up!" Sigaw ni Ate Riko. She has that scary look in her eyes.
Nagtinginan sila at luminya sila. I took their photos. Pumunta sa likod nila si Ate Riko at maya-maya pa'y isa-isa silang pinalo nito sa likod. Full swing ang ginawa ni Ate. Lahat sila napaaray sa ginawa niya. Lahat ng dumadaan, napapatingin sa kanila.
Ako naman, hindi ko mapigilan ang pagtawa. Pati mga walang malay na kateam nila nahampas ni Ate. At nadalawahan pa si Kuya Aomine at Kise. Halos mapaluhod silang lahat sa ginawa ni Ate.
"Inaantok pa ba kayo?" Pag ngiti ni Ate Riko. Pero nakakatakot pa rin siya.
"Hindi na." Sabay-sabay na sabi ng team.
BINABASA MO ANG
Notice Me, Senpai!
RandomKuroko No Basket and Free! Crossover. We all wanted someone to admire.