Dala ang aking camera, namasyal na muna kami sa lugar nila kuya. Pinuntahan muna namin ang puntod ni tito. Nasa mataas kasi na bundok ito at kailangan pa naming akyatin ito ng halos 30 minutes. After naming magbigay ng dasal, umupo muna kami doon at nagpahinga. Maganda rin kasi yung view kaya so we took some pictures.
Next na pinuntahan namin ay ang port side. Nagtingin-tingin lang kami sa mga nagtitinda ng sariwang isda. Tumingin lang kami pero hindi kami bumili.
Next na pinuntahan namin ay ang Samezuka Academy na dati nilang school. Walang gaanong tao maliban lang doon sa mga estudyante na masyadong malayo ang uuwian kaya naman hindi na sila umuwi pa. Kasama dito ang ibang nasa swim team. Naabutan pa namin silang nagpapractice sa pool area.
After Kuya Rin, si Aiichiro ang ginawang captain ni Kuya Rin dahil ang laki ng potensyal niya when it comes to leadership.
"Ui! Si Sir Rin! Kasama sina Sir Sousuke!" Rinig naming sabi ng mga swimmers.
Nagmadaling lumapit ang mga swimmers. Hindi naman maipinta ang muka ni Gou dahil puro muscles ang nasa harapan niya ngayon.
"Good morning sir!" Bati nila.
"Good morning." Bati ni Kuya Rin. "Kamusta kayo?"
"Mabuti naman sir." Sagot ng isang swimmer.
"Kayo sir? Anong balita sa inyo? Balita namin may kumukuhang scout sa inyo ah." Rinig kong tanong ng isa pang swimmer habang ako naman ay naglalakad-lakad lang. Tinitignan ko ang mga posters at tarpaulin na nakasabit sa pader. Kinukuhaan ko rin ito ng pictures.
"Maayos naman. I'm still training for the Nationals." Sagot ni Kuya Rin.
"Mukang wala kaming laban sa inyo sa Nationals sir!" Pagtawa ng isang swimmer.
"Ano bang sinasabi niyo dyan? Point something lang ang difference ng mga time natin nung nakaraang tournaments and I know you've been training hard para manalo. What did I say to you? Don't crush your potentials right? You have to do your best para manalo."
Nag-agree naman ang iba.
"Uh. Pinsan ko nga pala. Si Kuroko. He's on our basketball team. And.. asan si Akie?" Rinig kong tanong ni Kuya Rin.
Napalingon ako sa kanila, ang layo na pala ng nalakad ko at nasa kabilang side na ko ng pool.
"Akie! Anong ginagawa mo dyan?" Pagtawa ni Kuya Rin.
Napangiti ako at maingat akong naglakad palapit sa kanila.
Nakatingin naman sa akin ang mga members nila at nginitian ko sila. "Good morning po."
"So Kuro, you play basketball?" Tanong ng kateam nila kuya Rin.
"Yes." Sagot ni Kuya Kuro.
"Do you mind if we play? Katuwaan lang, matagal na kasi akong hindi nakakalaro ng basketball eh." Pag-aya niya.
Nagtinginan sina Kuya Kuro at Kuya Rin. "Mukang magandang idea yan Hiro!" Sagot ni Kuya Rin.
Ngumiti rin si Hiro. "3 on 3?" Tanong nito.
"Sige ba!"
Isinali nila kuya si Sousuke na marunong din palang magbasketball. Lumipat kami sa basketball court. Kasama namin ang mangilan-ngilang swim team members at umupo na kami sa bleachers.
"Ngayon ko lang makikitang maglaro si Kuya Rin!" Si Momo.
"Oo nga. Akala ko swimming lang alam niya." Dagdag ni Ai.
Napangiti kami ni Gou. "They used to play in our house kapag katapos nilang magswimming kaya marunong din siya." Sagot ko.
Nag-uusap-usap muna ang bawat team. Excited din ang mga kasama naming nanonood. Half court lang naman ang labanan at mukang street basket ang laro nila.
BINABASA MO ANG
Notice Me, Senpai!
RandomKuroko No Basket and Free! Crossover. We all wanted someone to admire.