Notice Me Senpai 22

13 1 0
                                    

"Ba't gising ka pa Akie?" Tanong niya habang ibinablot niya sa kanyang katawan ang kumot.

Hinatak ko naman palapit sa kanya ang aking upuan. "Hindi ako makatulog."

Tinignan niya ko. "Mugto yung mata mo."

Hindi ako nagsalita. Ibinalot ko lang rin ang katawan ko ng kumot bago ako umupo.

"Is it because of your tita?" Tanong niya. Feeling ko maingat pa siya nung tinanong niya sa'kin yun.

Tumango nalang ako. "Sinong nagsabi?"

"Sila Kagami at Kuro. Kanina." Sagot niya.

Kinuha niya ang kanyang mug at maingat na hinipan ito. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Kinakabisado ko ang bawat galaw at expression niya. Dahan-dahan siya humigop sa kanyang mug at mukang napaso siya ng bahagya. Napangiti ako buti nalang hindi niya napansin.

"Uhm. Anong balak mo?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang ayoko sanang pag-usapan. Pero kasi.. si Makoto kasi 'to eh. Para bang pakiramdam ko, kung hahayaan kong magsalita ako sa kanya ng nararamdaman ko. Bakasakaling mabawasan yung lungkot na nararamdaman ko.

"Uhm. Di ko pa alam eh. Medyo naguguluhan pa ko sa bilis ng pangyayari."

Tumango lang siya at tinignan ako. Hindi ko alam. Kung gaano kami katagal na magkatitigan. I can see in his eyes na malungkot siya. Malungkot ba siya ng dahil sa balita?

"You know.." Pag-umpisa niya. Umiwas siya ng tingin. "Matagal ko ng pangarap makarating ng ibang bansa." He smiled. Pakiramdam ko natutunaw ang puso ko.

"Napapanood ko sa TV at nababasa ko sa libro na magaganda daw yung mga lugar sa ibang bansa." Tumingin siya sa'kin. "Magaganda yung mga tourist spot dun. And sobrang daming opportunities ang meron sa ibang bansa. Specially US." Pag-ngiti niya.

"Malay mo, doon mo makita yung dream na hinahanap mo. Yung future mo."

Napangiti ako.

Isa lang naman ang gusto ko sa future ko eh, ang makasama ka.

Napaiwas ako ng tingin. "Tingin mo ba Makoto? Mahahanap ko dun yung dream ko?"

Nag-isip siya. Nagsalubong ang kanyang kilay. "Oo. Siguro. Depende sa'yo kung hahanapin mo dun."

Nagkatinginan kami, maya-maya pa'y natawa ako. Napakaseryoso kasi ng muka niya. Yung tipong tama-ba-yung-sinabi-ko face. Natawa ko lalo nung natawa rin siya.

"Parang naguluhan ako sa sinabi ko ah!" Pagtawa niya.

"Oo nga eh. Parang hindi ka sure. Parang gusto mong sabihing dito nalang ako."

"Eh kung sabihin kong dito ka nalang?" Nakangiti niyang tanong sa'kin.

Medyo nabigla ako sa tanong niya.

"Uhm. Ayaw mo ba kong umalis?" Pag ngiti ko.

Nakita kong namula ang tenga niya. "Ahm. Uhm." He was flustered! Ang gwapo niya.

"Uhm. Akie. Oo. Kung ok lang ba eh. Siyempre, mamimiss mo yung mga kuya mo. Mamimiss mo si Gou, si Rin. Yung mga teammates ng mga kapatid mo. Si Haru. Si Nagisa. Si Rei. Ako!!" Tuloy-tuloy ang pagsasalita niya kaya napapangiti ako sa bawat salita niya.

"Mamimiss mo ba ko?" He asked breathlessly.

"Oo naman!" Mabilis kong sagot.

Bumuntong hininga siya.

"Siyempre naman no. Mamimiss kita. Ikaw nalang ata ang pinakamatino kong kausap dito sa bahay. Tsaka, andami mo na kayang naituro sa'kin. Yung mga words of wisdom mo." I smiled.

Notice Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon