Makoto
We celebrated the Christmas together with Haru's family. Masaya naming sinalubong ang Pasko sa aming bakuran. Masayang-masaya ang lahat lalo na ang aking mga kapatid. Pero pinakamasaya sa lahat ay si Haru.
"Haru." Inabot ko sa kanya ang baso ng juice.
"Ah. Salamat Makoto."
Tumabi ako sa kanya. Nakaupo kami sa may porch habang pinapanood namin ang aking mga kapatid na magpailaw ng sparkles. Ang mga magulang naman namin ay nagkakasayahang magkwentuhan sa dinning area.
"Are you happy?" I asked him.
Tumingin siya sa'kin at tumango. "Yes."
"Good." Napangiti ako at pinanood ko ulit ang aking mga kapatid.
"Kuya! Kuya Haru! Halikayo!" Pagyaya ni Ran.
Nagkatinginan kami ni Haru at una na akong tumayo para samahan ang mga kapatid ko. Inabutan nila kami ng tig-isang sparkles.
"Kuya Makoto, namimiss mo ba si Ate Akie? Kasi ako namimiss ko na siya eh." Si Ren.
Napatingin sa'kin si Haru pero hindi ko siya tinignan. "Uhm. Ayos lang naman."
"Gusto niyo ba si Ate Akie?" Tanong ni Haru.
Sabay na tumango ang dalawa. "Oo kuya Haru!"
Inilabas niya ang kanyang phone. "Gusto niyo bang makausap siya?"
Nagtaka ako. "Tatawagan mo si Akie?"
"Oo. Something wrong?" Pagtataka ni Haru.
"Nakakausap mo si Akie?"
"Of course." Tipid niyang sagot habang hinahanap niya ang cellphone number ni Akie.
What the! Bakit ganun!?
"Makoto. You're acting stupid."
Napailing nalang ako. Bakit kaya niyang makipag-usap kay Akie without feeling any awkwardness! God! Gusto ko rin ng ganun.
"Hi Akie. Uhm. Merry Christmas din. Kamusta kayo ng mga kapatid mo? -- Mabuti naman. -- Ayos lang kami dito. Andito kami kila Makoto. Gusto ka ngang makausap ng kambal eh. Teka sandali."
Inabot ni Haru ang kanyang phone sa kambal na nag-agawan.
"Ate Akie!!!" "Hi Ate Akie!!!" Halos sabay na bati ng kambal.
Tumayo na si Haru at pinabayaan niya sa kambal ang cellphone niya, habang ako naman ay sinindihan ang sparkle na hawak ko habang nakikinig sa usapan nila.
---------------------------------------------------------------
Akie
Kakatapos lang namin mag noche buena sa bahay at papunta kami ngayon kila Kuya Rin para makicelebrate din sa kanila.
Halfway through our car ride, tumunog ang phone ko. Expected ko na sila papa ulit ang tumatawag, pero ng makita ko ang caller ID ko, si Haru ang tumatawag.
"Haru?! Oi! Merry Christmas!" Pagbati ko.
"Merry Christmas din. Kamusta kayo ng mga kapatid mo?" Tanong niya.
"Ayos lang kami. Papunta kami kila Kuya Rin. Kayo? Anong balita sa inyo dyan?"
"Ayos lang kami dito. Andito kami kila Makoto. Gusto ka ngang makausap ng kambal eh."
Makoto. "Ah! Sina Ren at Ran? Nako! Miss ko na nga sila eh."
"Sila Haru?" Tanong ni Kuya Aomine na nagdadrive.
BINABASA MO ANG
Notice Me, Senpai!
RandomKuroko No Basket and Free! Crossover. We all wanted someone to admire.