"Let's eat!!!!!!!!" Si Kuya Kagami.
Nakaupo na kaming lahat sa sinet-up nilang dinning table sa ilalim ng punong-kahoy malapit sa pool area.
"Woi! Woi! Kagami! Don't rush! Baka maubusan mo kami!" σ(≧ε≦o) Biro ni Takao.
"Gutom na gutom na talaga ko!" (っ˘ڡ˘ς)
"You really are a monster Kagami." Pagtawa ni Koganei.
Sabi nila, wag ko na daw sila tawaging mga kuya. At agree naman si Kuya Aomine dun, gusto niya kasi sila lang ang tawagin kong ganun. Napaka talaga nito.
Napapagitnaan ako ni Kuya Aomine at Kuya Kuro. Sa harap ko naman si Nagisa, Rei, Kuya Rin, Haru at sa dulo na katabi ni Midorima si Makoto.
Ang ingay nila kahit na kumakain, maski ang mga kaibigan ni Kuya Rin nakasundo na rin ang mga maiingay na 'to.
Sila na ang naglinis ng mga pinagkainan namin pagkatapos habang kami naman ni No. 2, pumunta na sa living room para manood ng TV. Balik naman sa pool sila Kuya Rin.
"Kuya, nakapili na ba sila ng kwarto nila?" Tanong ko kay Kuya Kuro na kasama si Kise at Midorima na pumasok sa living room.
"Oo kagabi pa, tsaka pare-pareho lang naman yung kwarto. Ayos lang yun." Sagot ni Kuya.
Umupo sa tabi ko si Kise. "Akiecchi, pasensya ka na pala kaninang umaga ha. We invaded your kitchen." Pag ngiti niya.
"Ayos lang yun." Natawa ko. "Akala ko talaga magnanakaw eh."
"You're so mean! We're so good looking napagkamalan mo kaming magnanakaw?" .°(ಗдಗ。)°. He said while poking me in my cheek.
"Sorry na!" Pagtawa ko.
Medyo tahimik din si Midorima, unlike Kise and Koganei. Pero ayos lang, hindi naman kasi siya intimidating na katulad ni Haru na hindi talaga nagrereact kanina habang kumakain pwera nalang kung si Makoto ang kakausap sa kanya. Siguro ganun lang talaga siya. Pinakagusto ko sa lahat si Nagisa and Rei. Napakaenthusiastic nila sa pakikipagkwentuhan sa'kin kaninang kumakain kami. Ang dami nilang kwento. Sana magkasundo kami!
Yun nga lang, ang sama ng tingin ni Kuya Aomine kanina. Si Kuya Kuro ang nagpoint out nito sa'kin kanina. Pero pinabayaan ko lang. Ganun naman lagi si Kuya eh.
"Dadalaw daw si Akashi mamaya." Sabi ni Midorima pagkatapos basahin ang message sa phone niya.
I know him. Dati kasi hindi naman sila magkakateam dahil sa iba't-ibang school din sila nanggaling. Originally, sina Koganei, Kuya Kagami at Kuro ang magkateam. Tapos, sina Kuya Aomine, Kise, Midorima at Takao naman. Nasa ibang school kasi si Kuya nung nasa highschool siya. Then si Akashi, at yung isang matangkad na hindi ko talaga maalala yung pangalan. Fated rival nilang lahat yun. Magaling kasi talaga. Pero paglabas ng court, they're such good friends.
Si Akashi, pagkakaalala ko eh siya yung boss ng tropa nila kuya. They all bend at his will. Ewan ko bakit ganun, I don't know how guy's mind work pero ganun eh. But kahit na ganun ang ugali niya, he's so respectful naman sa mga nasa paligid niya.
"Kasama nanaman nun si Murasakibaracchi." Sagot ni Kise na kinuha sa'kin si No. 2.
"Di ba yun yung giant?" Tanong ko.
Nagtinginan ang tatlo at biglang nagtawanan. Nagulat si No. 2 at tumalon pababa ng hita ni Kise.
"What? Anong nakakatawa?" Nakakainis naman 'tong mga 'to.
"Giant you say. Wag mong paparinig sa kanya yun. Baka mamaya sabihan ka rin nun ng 'I will crush you'!" Pag gaya ni Koganei. Halos maluha na siya sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
Notice Me, Senpai!
De TodoKuroko No Basket and Free! Crossover. We all wanted someone to admire.