Notice Me Senpai 5

58 14 1
                                    

Akie

"Gou. Parang ambigat naman ng unang task ko!" Kumakain na kami sa burger stand na malapit sa school. Eto ang kadalasang tambayan ng mga estudyante. At dahil bakasyon, walang masyadong kumakain ngayon.

"Ha? Susuko ka na agad?" Sabi niya sabay kagat sa burger niya.

"Hindi naman. Pero, buong basketball team? Eh ilan ang players nun. 32 players sa highschool, 6 sa first string, tas 2nd and 3rd string! 18 naman sa college. Magagawan ko ba lahat yun?"

Tumawa siya. "Tandaan mo. 6 sa 18 players ng college team sa inyo nakatira. Pwede mo na silang umpisahan ngayon pag-uwi mo. Sina Kuya Aomine, kahit ikaw nalang ang gumawa ng profiles nila."

Oo nga pala! Nawala sa isip ko yun ah! "Haha! Oo nga pala. Tapos, yung iba kaibigan pa nila!" Nabuhayan tuloy ako. "Yosh! Uumpisahan ko na ngayon!"

"Ah!" Lumunok siya. "Samahan mo ko pag sila Makoto na ang ininterview ko ha! Para makilala mo siya ng husto!"

"Waaah!" Pakiramdam ko namula ang pisngi ko. "Ba-baka mahalata niyang gusto ko siya!"

"Ha? Sasamahan mo lang ako eh. Teka. Crush mo lang ba siya talaga? Ha?" Nakataas pa ang kilay niya.

Crush ko nga lang ba siya? "Gou."

"Hmm?"

"I think he's my first love." I smile shyly.

She smiled. "Really?"

"Nung una ko siyang makilala I never thought someone like him exists. Alam mo yun. He's so manly yet, may kakaibang aura sa kanya. Just by his smile gumagaan yung pakiramdam ko."

"Ha?" Pagtataka niya.

Napakamot ako sa batok. "I kinda stalk him everyday!"

Natawa siya. "Ah kaya pala lagi kang nawawala ha! Sinusundan mo pala si Makoto!"

"Eh. Oo eh. Tsaka di ko akalain kilala mo pala siya. Ang alam ko lang kateam siya ni Kuya Rin."

"Eh ba't hindi mo siya tinanong noon?"

"Para ano? Para tuksuhin ako. Ayoko nga!" Uminom muna ako ng soda ko. "Actually." Napalunok ako. "Di ko naman talaga intended na makilala ko siya or anything. Napakalayo ng agwat namin and as if naman magustuhan niya ko. And besides, lagi silang magkasama ni Haru so I thought wala talaga silang interes sa babae."

"That's because, they're so comfortable with each other and ok ng sila nalang ang magkasama."

"Bakla ba sila?" I ask without thinking.

"Pffft.. WAHAHAHAHAHAHAHA!!! HAHAHAHAHAHA!!" Nagtinginan ang iilang customer kay Gou.

"Huuy! Ano ka ba? Wag ka ngang maingay Gou!"

She calmed down a bit. "Hindi.. Kasi.. Nakakatawa ka eh! Hahahaha. But seriously, straight sila. Wag mo silang gawan ng issue ha." Pagtawa niya ulit.

"Sorry naman. Ikaw kasi eh!"

"Oh eh bat ako!? Ikaw tong kakaiba mag-isip eh."

"Eh kasi eh." Nahiya tuloy ako. "Sorry naman." Napangiti nalang ako.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Kasama ko si Gou pauwi ng bahay. Pagdating ng bahay, wala ang tatlo kong kuya kaya naman ginamit ko ang spare key ko para makapasok ng bahay.

"Hai. Tumahimik rin dito. Alam mo, nakakamiss rin yung ganitong katahimikan." She said habang nagtatanggal kami ng sapatos sa foyer.

"Actually." Pagtawa ko.

Notice Me, Senpai!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon