Nawalan na ko ng gana.
Si Tita Alexandra ang panganay na kapatid ni papa. Wala siyang asawa at anak at dahil ako ang nag-iisang babae sa mga pamangkin niya, ipinangako niya na bibigyan niya ako ng best education at yun nga ay ang pag-aralin ako sa US.
Hindi ko akalain na tuloy pa pala ang kasunduan na yun. Unang-una kasi sa lahat, ayoko. Ayokong mawalay ako kila kuya. At ayokong umalis rin ako dahil nandito ang mga kaibigan ko at mga nakagisnan na tao.
Sa totoo lang, ok lang naman sa'kin kung dito ako mag-aral. No need na mangibang bansa. Pero, strikto si tita. Firm siya sa lahat ng desisyon niya kaya naman naging successful siya sa US. She's a chef sa isang 5 star restaurant. At kahit na may trabaho siya sa restaurant, may sarili din siyang mga coffe shop at maliliit na restaurant. Kaya naman sobrang asensado niya. At ganun din ang gusto niyang mangyari para sa'kin.
Pero hindi yun ang pinapangarap ko sa buhay. Ang pangarap ko ay makasama sila kuya.
Tulala lang ako. Hindi ko kasi alam kung ano pang iisipin. I felt, at that moment, that my fate is sealed. Final decision na yun. Wala ng makakapagbago pa.
Lumabas ng kwarto si Kuya Aomine. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Nakaupo lang ako, not feeling anything. Ayokong umalis. Ayoko.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Aomine
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kagami pagpasok ng kwarto ni Akie. Kailangan ko na rin kasing ipaalam sa kanila yung naging desisyon ni papa.
"Si Kuro?" Tanong ko.
Lumingon lang siya sa pintuan at pumasok na si Kuro. Isinara na niya ang pintuan.
"Bakit kuya?" Tanong ni Kuro.
"Upo muna kayo.""
Nagkatinginan ang dalawa bago nagsiupo sa gilid ng kama ni Akie.
Sinimulan ko na ang pagkukwento ng nangyari at napag-usapan namin ni papa. Katulad ko, napaluha nalang sila.
"Pero kuya. Ang usapan, dito siya gagraduate!" Pagpumilit ni Kuro.
Umiling ako. "The earlier na makapagsettle si Akie sa US, the better. Yun ang sabi ni Tita Alexandra."
"Ni hindi man lang siya makakapagdebut na kasama tayo." Si Kagami.
Ayoko na sanang umiyak pa, pero naluha ako sa sinabi ni Kagami. Sobrang daming events sa buhay ni Akie na hindi namin siya makakasama.
"Anong.. anong sabi ni papa?" Pag hikbi ni Kuro.
"Of course. Pumayag siya dahil alam niyang sa ikabubuti yun g future ni Akie." Paliwanag ko.
"Wala na ba tayong magagawa para hindi mangyari yun?" Kagami asks, still bargaining.
Umiling ako. "Nakiusap na ko kay papa. Final na yung desisyon nila."
Tumayo si Kuro at lumabas ng kwarto ni Akie. Hindi niya isinara ang pinto at dumiretso siya sa kwarto ko kung nasaan si Akie. Yumakap agad siya kay Akie na tulalang nakaupo.
Napabuntong hininga si Kagami. "Kung kailan nagiging close na kami ni Akie. Tsaka naman siya lalayo sa'tin. Bakit ganun?"
Di ko rin alam ang isasagot ko sa kanya. Tinignan ko lang ang dalawa kong kapatid sa kabilang kwarto.
Para kaming lutang sa nangyari. Hindi na kami pinansin pa ng mga kaibigan namin ng bumaba kami at walang mga ganang kumain. Alam ko namang ramdam nilang may problema kami kaya wala nalang din silang imik.
BINABASA MO ANG
Notice Me, Senpai!
RastgeleKuroko No Basket and Free! Crossover. We all wanted someone to admire.