Di mapakali ang puso ko. Grabe! Hindi niya talaga binibitawan ang kamay ko!
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa'kin ng medyo mapahinto kami dahil hindi na umuusad ang mga tao sa harap namin.
"Uhm. Ayos lang ako."
Humigpit ulit ang hawak niya sa'kin. "Nako, paano na 'to. Mukang hindi na ata tayo makakaakyat! Ang dami ng tao!" Sabi niya.
Maya-maya pa'y nagsimula na ang mga fireworks. Iba-ibang kulay ang kumalat sa kalangitan at ang lahat ay namangha sa ganda nito.
"Wow!!!!!!!!!" Paghanga ko. Iba't-ibang klase ng fireworks ang napapanood namin ngayon! Mas maganda ito dahil kitang-kita pa rin namin kahit nandito kami sa baba.
"Ang ganda!" Dagdag ko.
"Oo nga eh." Tinignan ko siya at nakatingala rin siya sa langit. "Mas maganda kung nasa taas tayo."
"Ayos lang yan." Bumalik ako sa pagtingin sa mga fireworks. "Pareho lang din naman yun." Ngumiti ako.
Actually, masaya talaga ako ngayon. Napakaespesyal ng araw na ito para sa'kin. We're standing side by side together. Magkahawak pa ang kamay. Does he even realized na gusto ko siya? Napapansin kaya niya na gustong-gusto ko siya? Tinignan ko ulit siya ng bahagya, he's really enjoying this moment. I can see it in his eyes. There's a gentle smile across his face at pati ang puso ko ay nakakalma sa kanyang ngiti.
Bumalik ako sa pagtingin sa mga fireworks na ito. Sana hindi matapos ang gabing ito. Kahit sa ganito man lang, magkasama kaming dalawa. Sana palagi nalang kaming ganito.
---------------------------------------------------------------
Makoto
I don't know what did I do in my past life to be as lucky as this. Ng mapalingon ako at makita kong nag-iisa si Gou, kinabahan ako dahil inisip ko na baka nawala na si Akie. Kaya naman tahimik akong nagpaalam kay Haru na hahanapin ko siya.
Kahit na maraming tao na ang papunta sa pwesto namin, pinilit ko pa ring mahanap si Akie at hindi ako nabigo. Sakto lang ang dating ko bago pa siya matumba ng dahil sa mga nagtutulakang tao.
Just like an instinct, agad kong hinawakan mabuti ang kanyang kamay. Ayoko siyang mawala, ayokong mapalayo siya sa'kin ng kahit isang segundo man lang. Sinigurado kong mahigpit ang pagkakakapit ko sa kanya. Mas maganda ng ako ang humawak sa kanya, kesa siya ang humawak sa'kin. Sa ganon, siguradong hindi ko siya mabibitawan.
Too bad, hindi kami nakaakyat. But it's fine with me. Magkahawak kamay kaming nanonood ng fireworks display. Mas lalo tuloy naging espesyal ang araw na ito para sa'kin.
Ayos lang naman sa'kin kung ituring niya kong kuya, kaibigan o kahit man lang schoolmate. Ayos lang yun. At least kahit papaano, sa iisang bahay kami nakatira at may mga pagkakataon kaming ganito.
BINABASA MO ANG
Notice Me, Senpai!
RandomKuroko No Basket and Free! Crossover. We all wanted someone to admire.