Chapter 125

1.6K 29 1
                                    


Chapter 125

Malaki din ang pinagbago ni Sydney..mas gumanda sya..mahaba ang buhok nya na wavy ngayon (hindi ko alam kung wig lang o tunay) at mas pumutla sya

"Yeah..nakabalik na ako ngayon..by the way..ang laki ng pinagbago mo..hindi na kita maloloko na tabachoy"

hindi ko alam kung nang-aasar lang sya o what..pero mas pinili kong ngumiti na lang "thanks..if that's a compliment"

"nice flowers" puna nya sa dala ko "sinong nagbigay?"

"a friend"

mas lalo syang ngumiti "wow..maybe you are so special to that friend.."

"...." hindi ako nakaimik..obviously

"So anong ginagawa mo dito?"

"Nagperform ako ngayon sa isang convention dito sa hotel"

"ahhh..wow..pinagpatuloy mo ang pagiging violinist..that's great.." tapos bigla nyang kinuha ang bag nya at inilabas ang cp nya..then ngumiti sya at humarap sa akin "sorry for that..but I need to go na..wait..dito ka rin ba sa hotel na ito nacheck-in?"

"yeah" ano ba yan..para akong tuod kung sumagot..ano ba ang magagawa ko..nasa gulat mode pa ako!

"cool!!pwede ba tayong mag-lunch tomorrow?so we can catch up or something??"

catch up or something ka dyan! "yeah..sure"

"great!" tapos bumeso na sya sa akin "so see you tomorrow??I really need to go..bye!"

umalis na sya at iniwan akong tulala..dumerecho na ako sa kwarto ko..na tulala pa rin..

pagdating ko sa room ko..binaba ko sa may table ang violin at bouquet tapos derecho na akong pumunta sa banyo at nilinis ang mukha ko..then nagpalit ako ng pantulog ko..

humiga ako at pinilit na matulog..ayaw kong mag-isip..ayaw kong maalala lahat..tsk..yun siguro ang dahilan kung bakit ako nanaginip kanina..asar..

pero kahit anong paikot-ikot at gulong ko sa kama..wala pa ring epekto..kahit anong sara ko ng isip ko para hindi ko maisip ang pesteng lunch na yun bukas at ang pagkikita namin..wala pa ring epekto..

bumangon ako at pumunta sa may mini-kitchen at kumuha sa ref ng gatas..tapos pumunta ako sa may aircon..at pinatay muna ito tapos pumunta sa may bintana at binuksan na ito..

Gaya nga ng inaasahan ko..nilipad ng bonggang-bongga ang buhok ko..kung sabagay..ikaw ba naman ang nasa 12th floor..

Kung kaya lang ng hangin liparin lahat ng iniintindi ko ngayon..siguro wala na akong problema ngayon..hay naku..

Aaminin ko..kung hindi lang ako nagulat masyado kanina..baka nakasampal na ako ng di oras..matagal ko na kasing gusto yun gawin..

Pero..hindi ko nagawa kanina!!at doon ako nagagalit sa sarili ko!!

Ang kapal ng mukha nya na para bang walang nangyari..kung makangiti sya akala nya friends kami..oo friends kami ng umalis sya..pero sa ginawa nya..aargggggghhhh!!

Gusto ko sya sampalin..gusto ko sya ingudngod sa sahig..gusto ko iparamdam kung gaano kasakit ang ginawa nila ni Aidan..alam naman nya na kami ni aidan..pero bakit nakipagbalikan sya dito..at ikakasal pa sila!akala ko friends na kami??kung hindi ko pa aksidenteng nalaman ang lahat..wala pa syang balak na sabihin??asar!!!

Pero higit sa asar at galit na nararamdaman ko..parang nabuksan ulit ang sugat na pilit kong kinakalimutan..

Nang makita ko sya..parang bumalik ulit lahat..lahat ng sakit na nangyari 2 years ago.. parang isang malaking sampal sa mukha ko ang mga ngiti nyang yun..pero..wala akong magawa kung hindi tanggapin ang mga sampal na iyon..

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon