Chapter 140

154 5 0
                                    

*Non-edited JEJE form dahil tamad yung author*

Chapter 140

Ilang araw din akong hindi lumalabas masyado sa kwarto ko..wala ng magawa si ate sam dahil kailangan nyang bumalik sa headquarters..laking pasalamat ko at hindi ko kailangan na lumabas ngayon..

Ewan ko..hindi ko na talaga alam kung bakit ganito ang lahat..kung kailan alam ko na.. na mahal pa rin nya ako..kung kailan napatawad ko na xa..kung kailan may basbas na kami ni sydney..at kung kailan malapit ng mabuo ang puso ko..

Kalaban ko na ang pamilya ko..

Ang dating sumusuporta sa amin..ang dating nagtatanggol kay aidan..

Lahat sila ayaw na..

Nakakaasar..para akong highschool na bawal pang magkaboyfriend!!

Kaya heto ako ngayon..daig pa ang grounded na hindi naman talaga..ayaw ko lang lumabas..mas mabuti na ito at makapag-isip isip

Tok!tok!tok!

At bumukas ang pinto..

Napatingin ako kung sino ang nasa may pintuan..si ate faye

"iexsha..may mga bisita ka"

"sino ate?"

"si jhas at si kristel"

"ahh..ate pwede po ba na papuntahin nyo po sila dito?"

"oo naman" pero akala ko aalis na agad si ate "iexsha?"

"po?"

ngumiti sya "hindi ka nag-iisa..supporter pa rin ako ng IeshDan loveteam"

nagulat ako sa sinabi nya pero nakabawi din at tumakbo at niyakap sya kaso hindi mahigpit "SALAMAT ATE!!!"

tumawa sya at pi-nat ang ulo ko "sya.. sya..gagawin ko ang lahat para tulungan kayo..Love conquers all..aja!"

tapos noon..bumaba na sya para paakyatin yung dalawa..umupo na lang ako sa kama ko..

kahit papaano pala..may kakampi pa rin ako..

Ilang saglit pa..dumating na rin yung dalawa..

"buti at day-off nyo ngayon" bungad ko sa kanila habang bineso ko sila

"oo nga..Iexsha kaya kami naparito.." paunang sabi ni kristel

"nabalitaan namin na hindi ka lumalabas" tapos ni jhas "may problema ba?"

wala na namang rason para magdeny "love or family?"

"huh??" parehas nilang tanong ng makaupo na rin sila

"yun ang problema ko"

"linawin mo kaya iexsha"

"siguro..oras na malaman nyo ang lahat..lahat ng nangyari after ng kasal"

ikinuwento ko ang lahat ng nangyari..yung letter ni sydney, yung reunion, yung date..

"oh my"

"GOSH!!!!IEXSHA!!ANG SWEET NAMAN NUN!!!!" medyo tili ni kristel..napatango na lang si jhas

ngumiti lang ako..oo naman..kilig talaga yun

"pero anong problema?" tanong ni jhas

"family"

nakita ko na naunawaan na nila ang ibig kong sabihin "so..ayaw na nila kay aidan?"

tumango ako "oo..at ang sabi pa ng inay ko..kung gusto ko pa daw humaba ang buhay nya..itigil ko na ang lahat"

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon