Chapter 126

4.3K 70 121
                                    


Chapter 126

Pagkagaling ko sa cebu..dumerecho na ako sa bahay namin (yung tunay na bahay namin)..Friday night akong umalis sa cebu at dumating ako ng manila ng sabado ng umaga..tapos sinundo ako ng mga tatay at umuwi ako..nang makita ko ang kama ko..wala..knock-out agad ako..ginising ako ng mga inay ng alas-kwatro..kumain lang ako ng konti at naligo ulit..nagbihis na ako at umalis na papunta sa SJBU..

Nang makarating ako sa SJBU..hiningan agad ako ng ID..ang ipinakita ko ay ang alumni card ko at pinapasok na agad ako..derecho na akong nag-park sa tapat mismo ng College of Law..(may kotse na po ako!!hehe..Black na innova..pasensya na..yan lang ang kaya ko..hehe)

Ilang saglit lang ako naghintay ng mapansin ko na lumabas na ang mga law student..nagpapasalamat ako at nakatint ang bintana ng kotse ko dahil tinitingnan nila kung sino ako..nga pala..ang alam ko..last day of exams na nila..at ginabi nga sila..nang makita ko na ang hinihintay ko na may kausap..lumabas na ako sa kotse..

Pinagtinginan ako ng naglalakad ako palapit sa hinihintay ko..pero hindi ko sila pinansin..not that na suplada ako..ayaw ko lang na ganun ang binibigay nilang atensyon sa akin..hindi ako sanay..at hindi ako masasanay..

Nang tumigil na ako..ilang lakad ang layo sa harapan nila..nakalagay ang dalawang braso sa isa't isa sa may dibdib ko at nakangiti..lumingon sila parehas sa akin..

"Sha!" mabilis na lumapit sa akin si Shiloh at niyakap ako..medyo napansin ko na pinagtitinginan kami..tapos lumayo xa ng konti.. "bakit ka nandito??"

"masama ba na hindi ko sunduin ang Shi ko?" nakangiti kong sabi sa kanya "at dalawin ang alma mater ko?"

"pilosopo" natatawang sabi sa akin ni Shiloh tapos naalala nya ang kausap nya..na malapit na rin sa amin

"I think i know you" sabi nya sa akin

ngumiti ako "of course you know me..attorney lopez!isa lang naman ako sa mga estudyante nyo ng Obligations and contracts..and I want to thank you for giving me a nice grade in that subject"

"wait..parang naalala ko na..2 class lang naman ang nahandle ko sa subject na yun..at konti lang naman ang natuwa sa grades ko sa kanila sa subject na yun.." tapos nanalaki ang mata nya "you're-"

"Iexsha Kylie Grzybowski..attorney"

"aha!oo nga..tama ikaw ang estudyante kong pasimple lagi kung matulog sa subject ko!"

tumawa si shiloh habang naka-pout ako "attorney naman!"

"pero kahit kadalasan tulog..oras na tanungin mo..sasagot ng maganda"

"naks!thanks..attorney!"

"ang laki ng pinagbago mo ah"

"oo nga po..hindi na po sya cute" sabi ni Shiloh

"cute kaya ako!"

"mga bata talaga!" sabi ni attorney

napangiti na lang kami "so attorney..gusto nyo po sumama sa amin..kaya ko po sinundo ang makulit pong ito ay dahil yayayain ko po sana sya na magdinner..sumama na po kayo"

"naku..gustuhin ko man kaso may appointment pa ako..alam nyo naman ang..ehem..sikat"

napatawa na lang ako ulit "attorney naman..ang kulit pa rin"

"oo naman..ay sya..I really need to go..para makapunta na ako sa appointment ko at masimulan nyo na ang date nyo ni Mr. Verrano"

"HINDI PO!" sabay naming sabi

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon