Chapter 133

177 7 0
                                    


*Non-edited JEJE form dahil tamad yung author*

Chapter 133

St. Joseph Parish

Marami na ring tao ng dumating kami ni Shiloh..wala kaming choice ng ipark namin ang kotse nya..napansin namin na yung front door lang yung bukas..hindi yung bawat sides na mas malapit dun sa may para sa choir..kaya dun na kami dumaan

Pinilit namin na maging unnoticed..laking pasalamat ko at wala pa parehas ang ikakasal..dahil baka..you know..

Dahil nga sobrang busy ang mga tao..wala naman nakapansin sa amin ni shiloh ng sumingit kami para makadaan..

Nang akala namin na makakpunta na kami sa may choir..bigla na lang..

May nakabangga ako

"Sor-"

hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil parang sa minalas-malas nga naman..lagi na lang ako may makakabangga..

"Iexsha..iha"

"T-Tita Agnes?"

oo..sa lahat naman ng makakabangga ko..

ang ina pa ni Aidan..

tiningnan nya ako at ngumiti..pero parang parehas sila ni aidan

parehas may ibang meaning ang mga ngiting yun

"so..bisita ka pala nila"

"hindi po..ako po ang tutug-tog sa kasal nila"

nagulat sya sa sinabi ko pero madali din nakabawi "ganun ba iha..masaya ako at nakita ulit kita"

"ako din po"

"sha.." napatingin ako kay shiloh tapos tumingin ulit ako kay Tita Agnes "sorry po..pero kailangan ko na po pumunta sa may choir"

ngumiti sya at niyakap ako tapos bumulong

"kahit na anong mangyari..

ikaw pa rin ang gusto ko para sa anak ko"

Nang magkahiwalay kami ni tita ay ngumiti pa sya at umalis na..napilitan ako na maglakad..

Kahit na kinakausap ako ni shiloh..wala akong naiintindihan sa sinasabi nya..

"kahit na anong mangyari..ikaw pa rin ang gusto ko para sa anak ko"

bakit pa kailangan na magsalita pa ng ganun si tita??kahit na baligtarin ko ang mundo..hindi ko pa rin maintindihan ang gustong ipahiwatig ni tita..

"Iexsha"

"huh?"

"andito na tayo"

napatingin ako sa kung nasaan na kami..

"Sino ba yung dapat tutugtog sa umpisa??at saka yung kakanta..pambihira!!bakit hindi na lang sa atin pinakanta ang lahat!!kahit sino man yun..siguradong mas magaling tayong kumanta sa kanila!!"

isang lalaking nakatayo sa harapan ng choir ang nagsasalita..halatang galit na galit na sya..nagkatinginan na kami ni Shiloh..

"Sir..relax..pabayaan nyo na po..yun po ang gusto ng ikakasal"

"kung sino man yun..for sure..pipitsugin lang yun..ang aarte talaga..kaya na naman ng choir yan!di ba nila alam na tayo ang pinakamagaling dito sa church??mali pala..pinakamagaling tayo sa buong province!!"

naglakad na kami papalapit ni shiloh..napatingin na sa amin yung iba pero dahil nga umiimik pa yung lalaki kanina at nakatalikod sya sa amin..hindi nya kami napapansin

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon