Chapter 144

169 6 0
                                    

*Non-edited JEJE form dahil tamad yung author*

Chapter 144

Shiloh's POV

Nakita ko ang lahat..

Simula ng umalis si iexsha sa kanila hanggang dumating sya sa park..nakita at narinig ko ang lahat..hindi lang ako napansin ni iexsha at aidan..pero nakatago ako..

At ngayong umalis na si iexsha..oras na para ako naman ang bumugbog sa walang hiyang aidan na yan..

Naglakad ako papalapit kay aidan..nakasalampak pa rin sya sa lupa..nakatungo sya kaya hindi ko pansin ang mukha nya..

Nang makalapit ako..sinipa ko ng mahina ang tagiliran nya

"tumayo ka na"

"...."

"tayo na..para masuntok na rin kita dahil sinaktan mo na naman si iexsha!"

"...."

ako na mismo ang nagpatayo sa kanya at..

Isang umiiyak na aidan ang nakita ko..

Bigla ko syang nabitawan..

Nagulat ako..

Umiiyak sya na parang nanghihina..kitang kita ang suntok ni Iexsha..pero alam ko na hindi yun ang rason kung bakit sya umiiyak..

Tapos noon..mas nagulat ako at bigla syang bumagsak at napaupo sa lupa..wala akong nagawa kung hindi tingnan sya..lahat ng gusto kong isumbat..hindi ko na maisumbat..

Ilang minuto din syang ganun ng siguro maalala nya na nasa harapan nya ako

"bakit ka nandito?" tanong nya sa akin at sinamaan nya ako ng tingin

"para suntukin ka"

tumayo sya at humarap "suntukin mo na ako..saktan mo ako..wala na akong pakialam.."

umiling ako "hindi na yun kailangan"

"suntukin mo nga ako!!gusto kong makaramdaman na nasasaktan ako physically para hindi ko na maramdaman emotionally ang sakit"

"sigurado ka?"

"oo nga sab-"

PAK!!

Kabilang pisngi naman nya ang nasuntok ko..pero hindi katulad ng kay iexsha..hindi xa bumagsak..umiiyak pa rin sya

"SUNTOK PA!!"

"tama na aidan"

"SUNTUKIN MO NA SABI AKO!"

"TANGA!TAMA NA!TAMA NA ANG ISANG SUNTOK SA KATULAD MONG TANGA!!HABULIN MO XA!!TANGA KA TALAGA!!KAYA NYANG IWAN ANG LAHAT SAYO..PERO IKAW??TANGA!NIYAYA KA NA NYANG PAKASALAN..

ANG PINAKAMAMAHAL KO NIYAYA KA NG MAGPAKASAL..PERO ANONG GINAWA MO???WALA!HUMINDI KA!"

"SINONG MAY SABI SAYO NA HUMINDI AKO???HINDI NYA AKO PINAGEXPLAIN!!"

"EXPLAIN??ANG PAGTUNGO MO AT ANG HINDI PAGSAGOT KANINA.. MALINAW PA SA SIKAT NG ARAW ANG SAGOT MO SA TANONG NYA!!"

pinunasan nya ang mga luha nya at humarap sa akin

"WAG KANG MAGSALITA NA PARA BANG ALAM MO ANG LAHAT!!! SINASABI KO SAYO..ISINUSUMPA KO..

KAHIT SAANG SIMBAHAN SA BUONG MUNDO..HANDA AKONG MAGPAKASAL SA KANYA!!"

"KUNG GANUN..BAKIT HINDI MO GINAWA??????"

"DAHIL SA MGA MAGULANG NYA!!!!"

nagulat ako sa sinabi nya..at medyo huminahon na..

"m-magulang??"

"oo.."

"anong-"

"pinagbantaan nila ako"

"pinagbantaan??dahil lang sa pinagbantaan ka..iiwan mo na si iexsha???" gusto ko na ulit syang suntukin..

"nang-aasar ka ba??alam mo ba na kaya kong magpakamatay para lang kay iexsha..kung iniisip mo na natatakot ako para sa sarili ko nagkakamali ka"

"anong pinagbanta nila sayo???"

tiningnan nya ako na para bang nakasalalay ang buhay nila ni iexsha sa sinasabi nya

"pinagbantaan nila ako na oras na pakasalan ko si iexsha na wala pa nilang basbas..

itatakwil nila ito"

"Ano????"

"kailangan ko pa ba ulitin?ang sabi ko..itatakwi-"

"oo na..naintindihan ko na..pero..totoo ba yun??matagal ko ng kakilala ang mga magulang ni iexsha..at alam kong hindi nila yun gagawin sa anak nila..masyado nilang mahal si iexsha para gawin yun"

"yun nga..masyado nilang mahal si iexsha kaya gagawin nila yun..tinetest nila ako"

masyado na akong madaming nalalaman na ikinagugulat ko..ang balak kong suntukin sya..nawala na sa hangin

"tinetest nila ako..kung gaano ako katatag sa anak nila..kaya ako aalis ng bansa dahil doon.."

"huh?"

alam kong nayayamot na rin sya sa akin..pero anong magagawa ko??ang daming pasikot-sikot ang story nya

"gusto kong patunayan ang sarili ko..ako naman ang maghihintay..hihintayin ko na tanggapin nila ako para mapakasalan ko na si iexsha"

"pero..kailangan pa bang umalis??bakit hindi mo xa ipaglaban?"

"ipaglaban??matagal ko na syang pinaglalaban..sa iba't ibang sitwasyon..sa iba't ibang pagkakataon..madami na akong ginawa at sinakripisyo..tapos tatanungin mo ako kung bakit hindi ko sya pinaglaban??? Kaya kong makipagpatayan para sa kanya..pero sino ba ang mas masasaktan?? sya din..dahil kakailanganin nya na pumili sa amin..at alam ko na masyadong masakit na yun sa kanya..kung kailangan magsakripisyo ako ulit..kung kailangan na maulit lahat ng sakit..titiisin ko..manatili lang sya sa magulang nya"

hindi ko alam ang sasabihin ko noon..pero isa lang ang napagtanto ko

masyado ngang mahal ng lalaking ito na nasa harapan ko si iexsha

at dahil napagtanto ko yun..hindi ko aakalain na..ipa-pat ko xa sa balikat nya

"tutulungan kita"

tiningnan lang nya ako "ano?"

"kailangan ko din ulitin?"

"asar.." minsan..ang sarap mang-asar talaga..haha "paano mo ako tutulungan?"

"hindi ko din alam..basta kapag kailangan na..tutulong ako"

"tsk"

"pero..bago ka naman umalis..linawin mo kay iexsha ang lahat"

"wag-"

"kung gusto mong may balikan ka pa"

pagkatapos noon..nagpasya na ako umalis..habang naglalakad ako narinig ko xang nagsalita

"salamat..hindi ko pa alam kung anong magiging desisyon ko..pero tama ka..

ipaglalaban ko si Iexsha sa parang alam ko"

pagkatapos noon..tuluyan na akong umalis..

hindi ko man matalo ang knight in shining armor..

tutulungan na lang sya ng fairy godbrother

sa paraan na alam nya

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon