Chapter 128

207 6 0
                                    

*Non-edited JEJE form dahil tamad yung author*

Nasa bahay ako ngayon..kagagaling ko lang sa byahe..mag-isa lang ako..wala ang mag-asawa..nagpapacheck-up..ang mga inay naman nasa isa naming kamag-anak..tinawagan ko si shiloh..sabi ko pumunta sya dito para may makausap naman ako..sabi naman nya sandali lang daw at mag-aayos lang daw sya..

Nga pala..alam kong nabitin kayo at gusto nyo malaman nag nangyari after that dinner..heto ang flashback

Flashback!

"I'm sorry Iexsha.."

nasa kotse kami ngayon..pauwi na kami..hindi ko sya tinitingnan kanina pa..

"bakit ka pumayag ng hindi man lang nagsasabi sa akin??"

"Iexsha..kailangan mo yun..kailangan mo na tanggapin na wala na talaga"

"sa palagay mo ba na hindi ko pa yun tanggap??"

"oo!dahil pinatawad mo sya" nagroll-eyes ako sa kanya

"palabas lang ang lahat ng yun!"

"WHAT????"

"ang mata mo itutok mo sa daan baka mabangga tayo!" tumingin na nga sya sa daan "nagrequest sa akin si aidan na magkunwari lang kami na ayos na ang lahat para kay sydney"

"ano????"

"alam mo kung hindi ka lang nagda-drive hinampas na kita!!wag mong sabihin na yun lang ang rason mo kaya tinanggap mo iyon???"

"oo"

napatawa na lang ako..kahit kailan si shiloh..ayan..nawala na agad ang galit ko sa kanya

"napatawa na kita!" sabi nya

"paano ako hindi mapapatawa..ang shunge mo talaga!!imik ka ng imik dyan..hindi mo pala alam na sala ang rason mo!"

"oo na..pssshhh..paninindigan ko na lang..teka..paano ka?"

oo nga naman..paano ako??tumingin ako sa may bintana

"siguro nga..maganda na rin na tinanggap mo..kasi baka..oras na ako na mismo ang makakita na ang taong pinakamamahal ko..ay wala na talaga sa akin..

baka sakali..pati ako makalaya na.."

"kung hindi lang ako nagdadrive..nayakap na kita..I'm so proud of you! Aja girl!!"

"Bakla!"

"Tabachingching!"

"hindi na naman ako ganun!"

"hindi na rin naman ako ganun!"

at nagtawanan na lang kami..

Flashback ends!

Loko-loko..hahahaha..paano kaya yun magiging abugado kung hindi sya nag-iisip?hahaha..

Ding!Dong!Ding!Dong!

Speaking of!grabe..ang bilis naman nun..tumayo na ako at tumakbo agad sa may gate para pagbuksan na xa..

"Hoy!shi..ang bilis mo nama-"

"SURPRISE!!!!"

"EEEEEEEEEEEPPPPPPP!!!!!!!!" yun lang ang nasabi ko dahil niyakap na nila ako at nagtatalon kami sa tuwa na parang mga bata!!

Nanag matapos ang eksena namin sa labas..pinapasok ko na sila sa loob..

"grabe!!nasurpresa talaga ako!!kumpleto lahat ng girls!!!!" sabi ko sa kanila habang pinapaupo ko sila sa mga upuan sa sala

"aba..syempre naman..since..nalaman namin na lahat nandito ka na..at nagpasya kami na itaon ang pagpunta namin lahat kapag lahat kami ay vacant at alam namin na wala ka sa kung saan-saang parte ng pilipinas!" sabi ni lynette

Spaces to Fill Book 4: Spaces To FillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon