Flip 6: Dengue

5.8K 86 1
                                    


"uy tara na lunch na..." sabi ni Tina sabay tapik sakin
"sige lang.. .hinihintay ko pa si Pancho" sabi ko
"uy... talaga naman oh... sasagutin mo na ba?" tanong ni Joan
"kayo talaga mga mapag isip... hinihintay ko at nagpabili ako ng budong at reno" sabi ko
"wow... himala nanlibre ka ng budong" sabi ni Pam
"syempre... lab na lab ko kayo eh" sabi ko at yun inirapan lang ako ni Pam... tong babaeng to kunwari pa..

bumukas yung pinto at dumating na si Pancho...

"oh ito na yung budong at reno" sabay abot sakin ni Pancho... pagbukas ko nung supot ng budong may nakita akong hindi naman mukang pandesal...
"uy Pancho.. iyo ata to oh" sabi ko sabay abot sa kanya nung lalagyan na kulay pula...
"ah.. para sayo yan... bigay ko sayo" sabi ni Pancho...
"ha? bakit?" tanong ko
"gaga... syempre nanliligaw natural bibigyan ka ng regalo..." sabi ni Pam
"ihhh... kinikilig ako..." sabi ni Tina
"Pancho.. thank you" sabi ko tapos nginitian lang ako ni Pancho

binaba ko yung budong at reno sa lamesa.. kinuha ni Pancho yung reno at binuksan na... sina Joan naman lumapit sakin para tignan kung ano yung bigay ni Pancho..
pagbukas ko nung pulang lalagyan...

"wow chocolate" kinikilig na sabi ni Joan
"umayos ka nga para kang naiihi eh" sabi ni Pam
"ampalaya talaga to" sabi ni Joan
"manahimik nga kayo... uy mare sagutin mo na" sabi ni Tina
"gaga! eh di sasabihin naman ni Pancho chocolate lang pala katapat ni Malou" sabi ni Joan
"ay naku.. oh ayan para manahimik na kayo" sabi ko at tsaka ko sila binigyan ng chocolate
"tara na dito kain na tayo" sabi ni Pancho.. nagsipag upuan na kami sa lamesa...
"uy tawagin mo si sir" sabi ni Tina
"nandyan ba si sir?" tanong ko
"eh di ko naman nakitang umalis simula nung dumating ako" sabi ni Tina
"eh di kanina pa yun di nababa? di pa nakain yun?" tanong ko
"malamang.... tignan mo na nga neng" sabi ni Joan

tumayo na ko at tsaka umakyat...

ilang beses na ko kumatok... wala pading sumasagot....
pinihit ko yung doorknob... bukas....

"sir???" sabi ko
patay yung ilaw... pagbuhay ko...
nakatalukbong si sir ng kumot... halla... tanghali na tulog pa??

"sir... sir gising na p- halla sir! ang init ny... sir... sir gising" sabi ko habang niyuyugyog sya....
sinampal ko ng mahina yung pisngi nya, baka magising pag ganun..

"dont slap me" halos pabulong na sabi ni sir
"buti naman sir gising na kayo... teka lang po kukuha ako ng bimpo ang taas ng lagnat nyo eh" sabi ko at tsaka kinuha yung bimpo at plangganita sa cr..

pinunasan ko na si sir... binihisan kasi pawis na pawis na sya... tapos nilagay ko yung bimpo nya sa noo at pumunta ulit ng cr kung saan may first aid kit si sir...
kinuha ko yung thermometer at tsaka ko binasa yung mga pangalan ng gamot...


ALIN BA YUNG PANGLAGNAT!!!!!?????

kinuha ko lahat ng gamot... at tsaka bumalik kay sir Eman...

"sir ano pong pangalan ng panglagnat?" sabi ko
"paracetamol" sabi ni sir
"para... para ano? basta may para leche" natataranta kong sabi
nakita ko yung gamot na may 'para' at tsaka ko pinainom kay sir....

"sir teka bibili lang ako ng lugaw sa labas... " sabi ko
di na sumagot si sir... tulog na ata...

pagbaba ko..

"oh asan si sir?" tanong ni Tina
"may sakit si sir eh..." sabi ko
"kaya pala di bumababa" sabi ni Joan
"bibili lang ako ng lugaw, kayo muna dito" sabi ko
"di ka pa tapos kumain" sabi ni Pancho
"mamaya na... pwede pa naman ako kumain mamaya eh" sabi ko
"teka samahan na kita" sabi ni Pancho
"di na malapit lang naman" sabi ko

pagkabili ko nung lugaw... pinakain ko na si sir...
syempre sinubuan ko kasi umiikot daw yung paningin nya...
maya maya ko syang binabalikan sa taas..... nag aalala kasi ako...

"uy neng... di ka pa ba uuwi?" tanong ni Joan
"mamaya na siguro.. di ko maiwan si sir eh" sabi ko
"sige una na kami sabihin mo kay sir get well soon" sabi ni Tina
"ikaw Pancho?" tanong ni Pam
"gusto ko sanang samahan muna si Malou tapos ihahatid ko na lang sya mamaya" sabi ni Pancho
"hm... kilig kilig naman" sabi ni Joan
"manahimik ka nga! kita mo nang mag aalaga ng may sakit eh" sabi ni Pam
"ampalaya!" sabi ni Joan
"shhht! tumahimik na kayo... tara na, uy ingat kayong dalawa" sabi ni Tina

at umalis na sila...

pumasok na kami ni Pancho
dumeretcho kami sa may kusina...

"gusto mo ba ng kape? ipagtitimpla kita" sabi ko
"sige salamat..."

nagtimpla na ko ng kape... tig isa kami ni Pancho... tapos gatas kay sir...
binaba ko na sa mesa yung tinimpla ko....

"may budong pa dito.. gusto mo ipagpalaman kita?" sabi ni Pancho
"sige" sabi ko at tsaka ako humigop ng kape...
"ito oh" sabay abot sakin ng budong...
"teka lang... ibibigay ko lang tong gatas kay sir" sabi ko at tsaka ako umakyat...

pagpasok ko sa kwarto ni sir binaba ko yung gatas sa lamesa ni sir... at tsaka sya nilapitan...

"sir... sir nagtimpla po ako ng gatas..." sabi ko...
nakapa ko si sir... SOBRANG INIT nya....
kinuha ko yung thermometer sa kili kili nya.... 41
binuhay ko yung ilaw.. nakadim light lang kasi sya kanina eh...

O___O...

"sir ano to!?" tanong ko...
pero di pa rin gumigising si sir...

ang dami nyang pula sa katawan...

"PANCHO!!!! PANCHO!!!" sigaw ko..
biglang dumating si Pancho
"bakit?"
"Pancho tulungan mo ko dalhin natin si sir sa ospital!" sabi ko


sa ospital...

"may dengue sya miss.... kailangan nyang magstay dito for a week... sige i need to go" sabi nung doktor...
naihilamos ko na lang yung kamay ko sa muka ko deretcho sa ulo ko...

pumasok na ko sa kwarto ni sir dito sa ospital...
si Pancho nakaupo sa bench sa tabi ng bintana.... naupo ako sa tab nya...

"anong sabi nung doktor?" tanong ni Pancho
"dengue daw..." sabi ko...

biglang may pinunas si Pancho sa muka ko....
napahawak ako kung saan nya ko pinunasan... basa...

"umiiyak ka.." sabi ni Pancho...

at sunod sunod nang tumulo ang luha ko...

naramdaman kong niyakap ako ni Pancho...

"pasensya ka na... ngayon lang bumigay yung takot ko...." sabi ko

sa sobrang taranta ko kanina.. di ko na napansin na takot na takot ako...
ngayon ko lang naramdaman...

paano kung nahuli ako ng pasok sa kwarto nya?

paano kung wala si Pancho para tulungan ako?

baka wala na si sir... marami pa naman daw namamatay sa dengue....


lumabas muna kami ng kwarto ni sir at tnagpunta sa hardin ng ospital para magpahangin...
naupo kami sa bench na nandun....

"matagal ka na bang may gusto kay sir Eman?"

bigla akong napatingin kay Pancho....

"wag mo na subukan pang itago...okay lang..." sabi ni Pancho at tsaka ngumiti sakin....
napatingin ako sa baba...
"di ko na matandaan eh...di ko na nga rin alam kung bakit... eh sa totoo lang eh ang sama sama ng ugali nya.." sabi ko..

tumahimik lang kaming dalawa....

"Pancho... sorry..." sabi ko
"bakit? nu ka ba... wala ka namang kasalanan..." sabi ni Pancho
"sinubukan ko naman eh... sa totoo lang gusto na kita kasi mabait ka... maalaga ka..."
"pero yun nga lang... mas higit yung sa kanya"

muli ay tumahimik kaming dalawa....

totoo naman talaga eh...
sa totoo lang nag babalak na kong sagutin si Pancho...
sobrang bait at maalaga ni Pancho...
pinararamdam nya sakin na may halaga ako...

pero ewan ko ba....

bakit kasi di na lang si Pancho?

"so... simula ngayon...besprens na tayo?" sabi ni Pancho
"besprens?" tanong ko
"oo... kasi may alam akong sikreto mo.. tsaka sabi mo naman eh mabait ako, maalaga.. mga katangian yun ng bespren diba? siguro naman yun eh pwede mo na kong pagbigyan?" sabi ni Pancho
"oo naman...bespren" sabi ko... at tsaka kami ngumiti sa isat isa....
"bespren... pwede payakap?" sabi ni Pancho
"oo naman..." sabi ko at tsaka ko sya niyakap...
"sige bespren... pasok ka na sa loob.. mahamog na oh magkasipon ka pa... bibili munaako ng makakain natin nina sir" sabi ni Pancho... tumango naman ako at tsaka ako pumasok...

nung pagpasok ko ng ospital... may naramdaman akong malamig sa may balikat ko...
parang basa yung damit ko at nalamigan nung aircon ng ospital...

di kaya??



salamat Pancho...

_____________________________________________________________________________
a/n: awwwww... how sweet of Pancho..
ako talaga yung unang nagreact noh??? yaeh na sabi nga nila tangkilikin ang sariling akin hehe...
kawawa naman si sir Eman,.... nadengoy este dengue....
vote, leave a comment, be a fan. thanks!
_____________________________________________________________________________

With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon