pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay bumaba na ko sa shop at binuksan yun...
buti naman at wala pa sila..
"HOY!"
"AY KABAYO!"
O__O.... si Joan...
"huy ang aga mo ata" sabi ni Joan sakin
"bakit ka ba nanggugulat? papatayin mo ba ko?"
"ay ang arte... wag ka ngang o.a.. huy himala maaga ka at tsaka... bakit ka galing sa kwarto ni sir ha!" sabi nya sbaay tutok ng hintuturo nya sakin...
"ano ba" tsaka ko tinapik yung hintuturo nya..."inagahan ko na talaga kasi baka masabon ako ni sir... inakyat ko lang yung pera kagabi kasi di ko na nahintay si sir" palusot ko
"ah.... bakit di mo na hinintay si sir?" sabi nya sabay ayos nung mga labahin sa isang tabi
"oo kasi inantok na ko... kaya nga pumasok na rin ako ng maaga gawa nun" sabi ko
buti na lang talaga matagal ko nang pinag isipan kung paano ako magpapalusot pag nagkahulihan...
"MALOU!"
O__O...
pareho kaming napatingin sa taas ni Joan...
si sir Eman sumisigaw...
naku di nya alam na nandito na si Joan...
"SIR... AH ANO SAGLIT LANG PO NANDITO NA PO KASI SI JOAN!" sigaw ko para maipaalam na rin kay sir na nandito si Joan...
baka kung anong masabi at magawa nun.... may malaman pa si Joan...
"akyat na neng baka masabon ka nanaman.." sabi ni Joan...
umakyat na ko...
"s-sir baki- ah! uinvuvnunvknfjnnubnb"
natahimik na ko nung tinakpan ni sir yung bibig ko...
PESTE!!!! dapat man lang nagbihis sya bago nya ko tinawag diba???
sumenyas ako na okay na para bitawan nya na yung bibig ko...
binitawan nya at tsaka tumingin sa taas...
LORD. sa inyo ko nakatingin promise di ako manyak.
"ano bang tinitignan mo sa taas?" asar na tanong ni sir
"a-ah sir.. may towel sa cr magtapis po kayo" sabi ko habang nakatingin parin sa taas
"tsk" sabi nya at tsaka sya pumasok ng cr.. pagbalik nya nakatapis na sya ng tuwalya...
WHEW.
"UMAYOS KA NGA MAKAARTE KA" sabi nya
ako pa nasisi nitong peste na to...
ako nahihiya sa mga pinag gagawa nya eh...
"sir bakit nyo ba ko pinatawag?"
"masakit ang ulo ko... dalhan mo ko ng almusal dito."
"sir wala pong kusina dito sa shop"
"do you think im stupid? of course i know that"
"alam nyo pala eh bakit kung makautos kayo ng almusal akala mo may kusina ka dito" bulong ko
"anong sabi mo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/11795566-288-k459097.jpg)
BINABASA MO ANG
With Benefits
General Fiction[PAUNAWA: ang kwentong ito may maselang tema. this story is a bit matured so please keep an open mind... di ko sya ginawa to feed perverted minds but to let others know that there are instances like this happening to us and to give you insight about...