Flip 8: Violet

5.1K 78 1
                                        

"huy neng halika na dito... baka masunog na mata mo katitingin mo sa araw..." sabi ni Joan

pinapanuod ko kasi lumubog yung araw...

ang ganda kasi ng view eh...

tapos ang kalmado pa ng dagat....

"uy... okay ka lang?"

"opo sir"

"tara na.. kakain na tayo"

"di pa naman po ako gutom...papanuorin ko muna yung paglubog ng araw"

"ganda no?"

"opo..."

"pero syempre mas maganda ka..."

napatingin ako kay sir eman... nakangiti sya sakin...

"kamusta naman yung pambobola mo sir" sabi ko habang natatawa....

naramdaman kong kinuha ni sir yung kamay ko...

"sir baka makita nila..."

"eh di itago natin" sabi nya tapos nilagay nya yung mga kamay namin sa harap namin tapos dinikit nya yung katawan nya sakin... nasa likod kasi namin yung mga kasamahan namin...

"sir baka makalahata sila"

"ang ingay mo naman tsaka sir ka ng sir.. masyado kang pormal eh"

"syempre ho boss ko kayo..."

"bakasyon tayo ngayon...walang trabaho..."

"di po ako sanay..."

"sundin mo ko.. ako boss mo"

"bakasyon po to walang trabaho"

napatawa kaming dalawa....

"sir... salamat po pala..."

"para saan?"

"kasi po ang saya po nung naging birthday ko..." sabi ko

"you deserve it..."

nakakapanibago talaga si sir...

buong araw.. ang bait bait nya eh...

tsaka.... sweet... lagi pang nakangiti...

may magbabago kaya???

ayokong umasa...

pero di na yun umalis sa isip ko simula nung nagising ako kaninang madaling araw....

basta ang alam ko...

masaya ako sa mga nangyayari samin ngayon....

pero sa tuwing naalala ko yung sinabi ni sir Eman sakin kagabi...

may nararamdaman akong lungkot....

huli na yun...

siguro ibigsabihin ni sir.. huli na yun na gagamitin nya ako..

pero iba nanaman siguro kung sakaling magiging kami na diba????

PUNYEMAS MALOU... WAG KA MAG ISIP NG KUNG ANO ANO...

"tara na.." sabi ni sir tsaka sya naunang maglakad...

nakalubong na pala yung araw.... di ko nakita ng matino... kung ano ano kasi iniisip ko eh...

pumunta na ko sa may lamesa para kumain...

pagkatapos namin kumain.. naupo kami sa tabing dagat tapos nag bonfire si Pancho...

may dalang gitara si Pam... kumakanta sya...

MAGKABILANG MUNDO - JIREH LIM

magkalayong agwat

With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon