Malou’s POV
minulat ko ang mata ko...
kanina ko pa kasi nararamdaman ko yung humahaplos may muka ko...
“Good morning...” nakangiting bati sakin ni Eman
“good morning...” bati ko sa kanya...
hinalikan nya ko sa labi...
“oh bakit ka ngumunguso? gusto mo pa ng isa?” natatawang sabi sakin ni Eman
“che! di pa nga ako nagtotoothbrush...” asar na sabi ko
“it will always be a pleasure to kiss you kahit na isang linggo ka pang di magtoothbrush” sabi nya sabay kindat..
“agang mambola hoo!” pang aasar ko
natawa kami pareho...
“masakit katawan mo?” tanong nya sakin
tumango lang ako habang kagat ko ang mga labi ko....
nakaramdam ako ng hiya eh... wag naman sana ako mamula...
“you’re blushing...” nakangiting nyang sabi
pinikit ko na lang ulit ang mata ko... kahit yata buong araw ako mahiga okay lang...
“wait here... i’ll prepare you a breakfast in bed” sabi nya
Lumabas na sya ng kwarto... nakapantalon lang...
naupo ako galing sa pagkakahiga...
ang sarap ng sikat ng araw na pumasok galing sa glass window...
naghanap ako ng pwede kong maisuot galing sa mga damit na nagkalat sa ibaba ng kama...
nakuha ko ang t-shirt ni Eman... yun yung pulang t-shirrt nya na ginamit namin sa shoot...
may nakalagay dun na “yours”... yung akin na ganito ang nakalagay ay “mine”
pagkatapos kong isuot yun ay bumangon na ako...
Kinuha ko yung mga damit... at tsaka ako pumasok sa cr...
nasa hotel kami...
dito namin napili na magcelebrate ng unang valentines namin na magkasama...
masyadong maikli ang t-shirt ni Ean kaya naman kita ko ang malaking parte ng mga hita ko..
may napansin aong pulang marka doon...
tinaas ko pa ang damit ko...
“EMAAAAAAAAAN!!!”
dumating si Eman nang natataranta...
“what happened?” tanong nya
“ano to!?” sabay turo ko sa mga marka sa katawan ko..
“hickeys?”
“ano ba! alam ko ang tawag dito!” inis na sigaw ko
“then why ask??” tanong nya
“bakit mo ko nilagyan nito?” tanong ko
lumapit sya sakin at hinapit ang bewang ko...
“because i want to... i want everything to be mine... and mine alone.” sabi nya at tsaka hinaplos ng hinlalaki nya ang noo ko...
BINABASA MO ANG
With Benefits
Aktuelle Literatur[PAUNAWA: ang kwentong ito may maselang tema. this story is a bit matured so please keep an open mind... di ko sya ginawa to feed perverted minds but to let others know that there are instances like this happening to us and to give you insight about...