Flip 5: Payagan mo sana ako

6.4K 90 1
                                        

"dito ka natulog?" tanong ni Pancho..

"h-ha?? hindi ah..." sabi ko

"bakit ikaw ang nagbukas ng shop kung di ka dito natulog?" tanong ni Pancho...

syet. bakit kasi ang aga nya pumasok!!!!!

"ano bang ingay yan?"

sabay kaming napalingon ni Pancho...

si sir Eman...kabababa lang galing sa taas...

nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan at may towel sa ulo...

O___O...

bigla akong niyakap ni Pancho...

ANO BANG NANGYAYARI SA MUNDO!????

"sir... babae po ang empleyado nyo, dapat po hindi kayo bumababa ng ganyan" sabi ni Pancho haabng mahigpit paring nakayakap sakin...

bigla ko na lang naramdaman na may humila sakin palayo kay Pancho...

"mas malala ka nga basta basta ka nangyayakap ng tauhan ko eh.... kebago bago mo dito kung makaasta ka...baka nakakalimutan mong boss mo ko, umayos ka ha" sabi ni sir sabay duro kay Pancho

"sorry ho" sabi ni Pancho...

"at ikaw naman bakit ka pumapayag na yakap yakapin ka ng lalaking yan? diba sinabi ko na sayo na bawal ang magkarelasyon sa trabaho? baka gusto mong mawalan ng trabaho Malou?" sabi ni sir sakin

"sorry ho" sabi ko... di na ko mangangatwiran... di din naman makikinig yan eh....

"kesa nagyayakapan kayo, ayusin nyo trabaho nyo" sabi ni sir at tsaka umakyat na ulit...

bakit parang pakiramdam ko ang init?

pinagpawisan ako dun ah... akala ko magkakabangasan na eh...

"Malou... sorry... pati ikaw muntik nang madamay kay sir... nagulat lang kasi ako na nakaganun sya at baka mabastusan ka kaya para di mo na makita niyakap na lang kita" sabi ni Pancho

"h-ha? naku ayus lang... at tsaka wag ka maniwala dun... di ako kayang tanggalin nun... eh halos ako na gumawa ng trabaho nya eh..." sabi ko

"ganyan ba talaga sya? mga babae kayo dito eh" sabi ni Pancho

"naku ano... di naman sya laging ganan... naku teka aayusin ko lang yung mga labahin sa likod... " sabi ko at tsaka dumeretcho sa likod... mamaya marami pang itanong tong si Pancho... ang hirpa mag isip ng palusot...

bigla akong may naramdamang masakit sa ulo ko...

napahawak ako sa bangko.... parang umiikot paningin ko...

"ah.." usal ko sabay sapo ko ng ulo ko...

hilong hilo ako...

napaupo na lang ako sa sahig...

"Malou? uy anong nangyari sayo?" tanong ni Pancho sabay lapit sakin....

"nahihilo ako..." sabi ko...

"teka lang.... dadalhin kita sa center"

"anong nangyayari?"

boses yun ni sir....

"sir dadalhin ko po muna si Malou sa center.. nahihilo ho eh...." sabi ni Pancho

"ako na, bantayan mo tong shop" sabi ni sir...

naramdaman ko na lang na may bumuhat sakin...

pagmulat ko...

"okay ka na ba?" tanong ni sir...

With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon