08: Dongsaeng

2.5K 70 6
                                    

An.
Waah! Sorry sa super late updates! Ang hina kasi ng net. Tatlong sunod-sunod na chaps ang ipopost ko ngayon dahil deserves naman.

SHOUT OUT to Ms. Yen-yenLove04 who just completed the ten votes for this Chapter 08. Keep supporting and love lots!

Do not forget to enjoy!
____________________________________
Chapter 08: Dongsaeng

Nasa canteen ako ngayon at nag-stu-study. Civil Engineering kasi ang kinuha kong course.

Biglang may naki-share sa mahabang table kung nasaan ako. Medyo malayo sya sa akin pero kami lang din naman dalawa sa table na ito. Nasa kabilang side sya naupo.

Badtrip ata sya base sa nakabusangot nyang mukha.

Inibagsak nya kasi sa table lahat ng tatlong makakapal na librong dala nya at padabog rin na umupo. Magkasulubong ang mga kilay nya. Di ko naman napigilang maituon lang ang atensyon sa kanya.

Napakaganda nya kahit nakabusangot, ano na lang kaya kapag nakangiti na?

Lumalakas ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko, may gusto na ako sa kanya. Masyado bang madali? Ang ganda nya kasi.

Sino ba naman? Babaeng maputi at with v-jaw line, thin pinkish lips at ay maliit na ilong. Mahaba ang straight na itim nya na buhok, at sa mga mata nya na nakakakuha talaga ng atensyon.

Matapos nyang pagbuklatin ang mga libro, bigla syang lumingon sa akin na sya namang ikinagising ko sa kakatitig sa kanya. Agad akong umayos ng upo.

Makakapag-study pa kaya ako nito?! Kung ano-ano pumapasok sa isip ko eh.

"Ehem.." sabay hawi ko sa page ng book na kaharap.

Siguro mga tatlong seconds lang eh inilingon ko muli ang mata patungo sa dereksyon nya pero may napansin ako kaya agad kong tuluyang iniharap ang mukha sa kanya.

Napalipad naman wala sa oras ang mata ko sa iba nang masalo ko ang tingin nya.

'Langya, nakatingin pa rin pala sya!

Napapikit ako sa inis at gigil.

Minsan na lang nga tayo magkaka-crush, mahuhuli pa kaagad.

Well, sa tingin ko naghihinala na to. Kung ganon, kailangan ko na lang magbigay ng motibo.

Bumalik na ako sa pagtuon ng atensyon sa mga studies ko kahit kita ko sa dulo ng mata ko na nakatingin pa rin sya.

Malamang Engineering rin ang course nya. Pero feeling ko hindi sya first year kasi di ko naman sya nakikita around, ngayon lang. So ibigsabihin, higher level sya.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko dahil malapit na ang time ko para sa next session. Matapos kong magligpit, iniwan ko muna ang mga gamit at tinungo ang vendo machine sa tapat ng table na inuupuan namin.

Pagtapat ko, binili ko ang dalawang strawberry milk shake in can. Bumalik na ako matapos kong makuha sa vendo ang binili ko.

Pumagitan ako sa mahabang upuan at mahabang mesa sa tapat ng mga gamit ko at inislide ang mga dala ko papunta sa harap ng babae. Napawi naman ang tingin nya sa librong kaharap at napatingin sa akin. Napangiti ako nang hindi na sya nakabusangot at normal na ng reaction sya.

Sya na siguro ng pinakamagandang babaeng nakita ko, swear.

Umupo ako matapos tumapat sa kanya nang nakangiti pa rin. Inilapag ko sa table ang isa sa mga strawberry milk shake at ini-slide ko naman toward her yung isa. Sinundan nya to ng tingin at matapos ay naibalik muli ang tingin sa akin.

"Hi.." ngiting-ngiting sabi ko. Hindi sya sumagot. "Uhmm.. mukhang nag-iisa ka" paninimula ko ng usapan. Bigla namang nagsalubong ang mga kilay nya kaya nawala ng mga ngiti ko.

May nasabi ba akong mali!? Nakakahiya to!

"Mukha naman talaga akong nag-iisa eh" pagtataray nya.

Pamilyar ang boses nya, di ko lang matandaan kung kailan ko to narinig.

Napatameme ako. "Ang ibig kong sabihin, nag-iisa ka kaya sasamahan kita" pagklaklaro ko. Nagbunot sya ng kung ano sa slingbag nyang katabi sa upuan at mamaya pa eh isang saksak ng kutsilyo sa mesa ang ikinagulat ko.

Walang'ya, killer ba to?

"Bakit mo ko kinakausap" salita nya habang nakahawak pa rin sa kutsilyong nakasaksak pa rin sa pumapagitan sa aming table. Nailipat ko naman ang tingin sa kanya matapos pagtaasan ng balahibo sa kutsilyo.

Di ba bawal magdala ng mga sharp weapons dito? Baka naman sa lab nya nakuha to.

"Bakit kita kinakausap? Malamang dahil may mga bibig tayo" sabi ko. "Hindi mo ba ako kilala?" sabi nyang muli. "Anak ka ba ng killer?" tanong ko. Umiling sya.

"Ikaw lang ang lalaking naglakas loob na kumausap sa akin like starting a friendly conversation" bumalik na sa dating normal na reaksyon ang mukha niya. "Bakit naman?" napa-lean sa table kong sabi. "Lahat kasi sila, natatakot sa akin. Well it used to be like that, di sila susunod diba kung di sila matatakot" sabi nya. Di ko naman na-absorb ang sinabi nya dahil ang ganda ng boses nya.

"Hello~" nag-lean toward nyang sabi. Naalarma naman ako at umupo nang tuwid to keep the distance between our faces. "Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong niya.

Hehe, sya pa ang nagtanong ah.

"Ikaw muna" sambit ko. "Huh?" napa-lean back nyang sabi. "Well, sa tingin ko naman, hindi mo pa ako kilala that's why kinakausap mo ko. You can call me Tae-noona" sabi nya sabay lahad ng kamayan.

Holding hands?

"Kung ganon, Dongsaeng-nim ang itawag mo sa akin" sabi ko at nakaipagkamayan.

Ang lambot ng kamay nya...

"Atleast, di na tayo strangers" napa-eye smiles nyang sabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat lumabo at sya lang na tila bumagal ang nakikita ko.

Ang ganda nya...

"Hello?" sabay kaway-kaway sa mukha ko. Napakisap-mata naman ako at nakabalik sa tamang takbo ng oras. "Donsaeng-nim, okay ka lang?" sabi nya. "Huh? Ah... aalis na pala ako" sabi ko at tumayo na, dala ang mga gamit ko.

"Well, thanks for the milk shake, you did it right. I love strawberry" nakangiti nyang sabi habang hawak ang milk shake nyang binigay ko. "Take care new friend" sabi nyang muli at kumaway pa nang nakangiti. Tumango lang ako at umalis na.

Di ko na kasi kakayanin ang awkwardness.

An.
Happy #ThePantyRaid1.28Kreads ! Feeling blessed...
Happy #ThePantyRaid90votes ! Flattered

read next chap^thanks for voting^

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗬 𝗥𝗔𝗜𝗗: 𝔹𝕪𝕦𝕟-𝔾𝕦𝕪 ℍ𝕒𝕤 𝕀𝕥?! © 2017 ✔Where stories live. Discover now