Chapter 11: Noona
"Hi Taenggu!" tumatalon pang bati ni Ppanyang habang ako naman, nag-aayos ng mga materials ko sa table.
"Sa tingin mo, maganda ang resulta ng performance ko?" tanong ko. Ngiting-ngiti naman sya sa akin.
"Huy!" pukaw ko. "Ha?" natauhan nyang sabi. "Nakikinig ka ba sa akin?" sabi ko. "Ah, hehe, narinig ko naman, ang problema eh, hindi ako nakinig sayo kanina sa report mo" sabi nya. "Huh? bakit?" nagtaka ko namang sabi. "Eh kasi ang ganda kausap ng seatmate ko eh" sabi nito sabay ngiti nang todo at sabay turo sa audience. Tiningnan ko naman ang tinuro nya.
Makikita mo na kaagad ang tinuro nya dahil lahat palabas na ng hall. Dalawang students lang na lalaki ang natira sa kanilang mga upuan na nag-aayos pa ng gamit nila sa table nila.
Agad akong umiwas ng tingin at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng mga materials ko sa table.
"So magkakilala na pala kayo" badtrip kong sabi.
Hindi ko rin alam pero parang nakaramdam kaagad ako ng inggit o selos. Kaibigan ko si Pany at alam kong di naman nya ugaling mang-agaw ng hindi kanya. Wait--- wala nga pala akong pag-aari rito.
"Haha, nakwento nya ngang magkakilala kayo. Well, hindi ka raw nagpakilala sa kanya?" sabi ni Ppanyang. Hindi naman ako lumingon at ipinasok na sa bag ko lahat ng nailigpit kong materials.
"Hindi rin naman kasi sya nagpakilala" sabi ko lang.
"Eh baka naman kasi ayaw mong makilala ka nya talaga" tila panghuhuli nya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Wala akong gusto sa kanya" sabi ko. "Wala naman akong sinabi ah" umeye-smile nyang sabi. "Eh yun naman pala eh" sabay patuloy muli ng ginagawa ko. "Pero parang ganun na nga" salita naman nya.
"Hayys! Bakit ba di ka pumasok!" galit kong sabi sa mga folders na kanina ko pa pinapasok sa bag ko. "Ganyan na ganyan ka kapag naguguluhan ang isip" lean nya sa table. Tiningnan ko na sya nang badtrip. "Ppanyang ha, wag mo nga akong pinagtritripan, wala ako sa mood" nakabusangot sa galit kong sabi. Napasimangot naman sya.
"Excited lang naman ako sa love life mo" sabi nya. "Hindi ko sya gusto kaya wala pa rin akong love life okay?" pagtatapos ko na sa usapan.
"Well, sabi mo eh. Kailan nga pala kayo magkikitang muli?" sabi nya. "Huh?" nagulat naman ako sa tanong niya. "Well, pinapatanong niya kung kailan kayo pwedeng magkausap. Nakwento ko kasing busy person ka" sabi nya. Napatingin naman ako kay dongsaeng na nasa upuan nya pa rin.
Well, nakatingin sya sa amin habang sinusot ang back pack nya.
Nilingon ko ulit si Ppanyang. "Hindi ko alam" kibit-balikat ko. Tumingin si Ppanyang sa likod ko, sa mga audience, nakatalikod kasi ako sa bleacher seats.
"Umalis na sila" tugon nito. "Hindi ko po kailangang malaman" sabi ko sabay suot na ng bag ko. Tumawa naman si Ppanyang.
Well, I'm glad na na-eexcite sya sa magiging love life ko. Actually, lahat naman ng kaibigan ko eh. Ako lang kasi yung wala pang boyfriend ever since. Syempre nagwoworry rin ako at napapaisip kapag tinatakot nila akong tatanda raw akong dalaga at mabubulok ang pantog kapag hindi pa nakatikim ng sex. Nakakainis na mga kaibigan ano?
Kaya nga di ako nagpakilala sa first year na yun eh, since kasi na bansagang goddess-kid leader ako, puro admirers lang ang natatanggap ko. Nangyari lang yun nung first year pa ako. Since then na admirers don't work, parang nauhaw na ako sa pansin ng mga lalaki para lang makipagkaibigan. Pinapansin lang kasi nila ako kapag pinansin ko sila, o di kaya kapag projects or any school relations, o di kaya naman kapag nang-aasar ang mga kabatch ko. Kapag nagyayari yun, nasa dugo ko na siguro ang tarayan at takutin sila kaya ayun, di na namamansin ulit.
An.
Updated!Poor Noona-Tae at the same time, Jealous.
How do you like the story by the way?
Thanks for reading and voting!
10 votes for the next update please.
YOU ARE READING
𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗬 𝗥𝗔𝗜𝗗: 𝔹𝕪𝕦𝕟-𝔾𝕦𝕪 ℍ𝕒𝕤 𝕀𝕥?! © 2017 ✔
RomanceCollege men have an annual game called the Panty Raid which is raiding the girl's dormitory to obtain panties as their trophies. Byun Baekhyun joined the game even he didn't knew the greatest enemy behind, Kim Taeyeon, the President Council, slayer...