12: Dongsaeng

1.7K 41 5
                                    

An.

Sorry for the super late updates. Busy kasi ako masyado sa school, graduating na eh. Marami pa kaming exams na tinitake at upcoming activities. Sorry talaga.
______________________________________
The revelation...

Chapter 12: Dongsaeng

"Shit bro, sinampal ako, grabe, mababali siguro leeg ko dun" kwento ni kuya habang naglalakad kami sa hallway.

Uwian na at patungo na kaming dorm.

"Talaga? Eh talaga naman palang demonyita yang TaeYeon na yan eh" pakisama ko sa galit ni kuya. "Di lang demonya, rule-breaker slayer pa" sabi nito.

"Teka, so hindi sya nagsorry sayo?" tanong ko. "Hindi nga. Kaya kapag nakita mo ang babaeng yun, iwasan mo. Tinaguriang Goddess-kid leader kasi sya. Di naman kasi sya fourth year kaya "kid", Law Maker sya kaya "leader" at "Goddess" dahil maraming nagkakacrush sa kanya" sabi ni kuya. "Alam na alam ah, crush mo sya no" sabi ko.

"Well... dati pero nang sabihin nila sa akin kaagad na sya pala ang Kim TaeYeon ng Geoguk College University, naku, si tandang Sora na lang kaysa sa isang brutal na babae" sabi nito. Napa-isip tuloy ako kung sino tong kaapelyido ni Noona-Tae/Ms. Kim.

"Kaya kapag may napupusuan ka bro, sabihin mo kaagad para macheck ko ang profile" sabi ko. "Well, meron na kuya" masaya kong tugon. "Ehehe, alam mo naman na suportado ako sa lovelife mo. Syumota ka lang nang syumota, nag-aalala kasi ako sa iyo, college ka na, wala ka pang naging girlfriend. Puro studies ka kasi, di mo naman masyadong mapapakinabangan yan eh, pamilya rin bagsak natin pagtapos natin" sabi nito.

Hindi na ako sumagot at napatingin na lang sa dinadaanan namin nang bigla akong mapahinto sa nakita. Napahinto rin si kuya. Agad akong tumalikod. "Hoy, bakit?" tanong ni kuya. "Andyan kasi yung crush ko eh" nahihiya kong sabi at nag-ayos ng buhok. Kita ko namang ipinabalik-balik ni kuya ang tingin sa akin at sa hallway, malamang kay noona-Tae.

"Crush mo yan?" parang di nya makapaniwalang tanong sa tono nya. "Oo, okay na ba ang buhok ko?" tanong ko. "Yan?! Crush mo??" tanong nyang muli at inuyog ang balikat ko. "Wag mo naman ipagsigawan, malapit na ba sya?" sabi kong muli. Iniharap nya ako mula sa pagkakatalikod.

Nakita ko si Tae-noona na napahinto sa tapat ng isang room sa di kalayuan at nakikipag-usap sa isang babaeng estudyante.

Malayo o hinde, napakaganda nya sa paningin ko (≧﹏≦)

"Baek, nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ni kuya. "Oo, ang nag-iisang goddess sa paningin ko" sambit ko. Bigla nyang tinulak ang balikat ko. "Aray ko naman kuya~" parang bata kong sabi. "Wag ka nga mainlove jan, sya si Kim TaeYeon" sabi nya. Hindi naman ako nakareact.

Kahit kailan, kapag may iniisip talaga akong mas importante, di nagsisink-in ang mga sinasabi ni kuya.

"Oh, ano, matatauhan ka na ba?" tanong niya. "Pero..." sambit ko.

Kaya ba nagulat sya na kinausap ko sya? Kaya ba walang kumakausap sa kanya na lalaki? Kaya ba ganun na lang nya ako takutin at nilabasan pa ako ng kutsilyo? Kaya ba gulat na gulat yung kaibigan nya nang sabihin kong may gusto ako sa kanya? Kaya pala di sya nagpakilala...

Pinagmamasdan ko lang ang tumatawa nyang mukha habang kinakausap ang kausap. "Hindi mo sya pwedeng magustuhan dude, seryoso ka na ba?" sabi ni kuya. "Pwede namang itry di ba?" sabi ko. Tiningnan ni kuya si Tae-noona.

"Sige, ilalakad kita, tutal, may nacrushan ka na rin sa wakas eh. Pero try lang ha, di pa naman yan ngumingiti sa lalaki, baka mamaya nyan, dalawa na tayo ang masampal" sabi ni kuya nang nakatingin lang sa babaeng topic namin.

Hindi ngumingiti? So it means napangiti ko sya kanina?

"Anong sasabihin mo?" tanong ko nang nakatingin lang din kay TaeYeon. "Di ko muna sasabihing crush mo sya, uunti-untihin natin" sabi nya.

Mamaya pa eh nagpaalaman na ang dalawang babae sa pag-uusap nila. Bigla naman akong inakbayan ni kuya at inilakad na. Biglang nagtama ang mga mata namin ni Ms Kim, babahag na ata ako. Parang gusto ko nang umatras.

Nagkatinginan lang kami habang umiigsi ang distansya sa amin nang, "Hi TaeYeon" napahinto kaming dalawa sa paghinto ni kuya. Magkatapat na kaming tatlo at napawi ang tingin namin sa isa't isa. Napatingin sya kay kuya at umiwas naman ako ng tingin. "May ilalakad sana ako sayo eh, pwede makuha ang number mo?" pangdidiskarte ni kuya. Hindi na ako tumitingin sa hiya at iwas na rin. "Kapag inulit mo ang tanong na yan after 3 minutes, ipakukulong na kita Mr Byun. Magiging against the law ka na dahil gagawa na ako ng Anti-number raid" sabi nya. Napatingin naman ako. Tumawa lang si kuya.

"Pang-ilang law mo nga ang anti-PRW? Pero hanggang ngayon, wala ka pa ring nahuhuli" sabi ni kuya. Siniko ko naman sya konte upang pagsuway. Uminit ata ulo ni kuya. Biglang tumingin sa akin si Taeyeon pero saglit lang. "Mapatunayan ka lang PRW ka Mr Byun, itago mo na yang malangsa mong nakolekta" halos pumatay ang tingin nito at umalis na.

"Bakit mo naman ginawa yun" naiinis kong sabi. "Eh sa napikon ako eh. Nakakainis talaga yang boses nya. Kahit sino naman naiinis sa babaeng yan" galit talagang sabi ni kuya. "Pero akala ko ba ilalakad mo ko" sabi ko. "Baek, marami namang iba jan eh, may mas maganda pa sa kanya" sabi ni kuya. "Pero hindi ko alam kung may mas hihigit pa sa kanya" naiinis ko pa ring sabi. "Masyado kang nabulag sa kanya, maiibsan mo rin yan, tara na nga" sabi niya.

👙
Time check, 10:45 pm
Dalawa lang kami ni kuya sa room namin.

Kalahati lang kasi ng dormers ng babae ang lalaking dormers dito sa school, sa madaling salita, di kami katulad ng mga babae na tag-iilan na sa isang kwarto. Dito sa amin, tatlo pababa, okay na. Mas konte kasi ang lalaki kaysa sa mga babaeng students.

Tulog na si kuya samantalang ako, gising pa. Night stand ko lang ang nakailaw sa buong room. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang nararamdaman ko kay Taeyeon habang hindi pa masyado ako nahuhulog sa kanya. Hindi naman sya masama tulad ng nasa legend. Atsaka baka naman tama ang sabi ng bestfriend nya, na baka may gusto rin sya sa akin.

Bumangon ako nang nakasando lang at tinungo ang cabinet ko. Kinuha ko ang nakapaperbag sa loob nito. Umupo ako sa kama at inilabas ang laman nito.

Ito yung pink na lower waist panty na nakuha ko sa di ko naman kilalang babae. Sinuri ko to. Ngayon ko lang to nasuri masyado. Bumalik sa isip ko na gamit pala ang panting ito. Fresh na fresh sa kinuhaan ko. Di ko alam pero inamoy ko to. Well, hindi naman mabaho o ano pero amoy gamit talaga sya. Tiningnan ko ang likod.

"Baby saved the day"

Yan ang nakasulat na caption sa may pwetan ng panty. I wonder who owns this?

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗬 𝗥𝗔𝗜𝗗: 𝔹𝕪𝕦𝕟-𝔾𝕦𝕪 ℍ𝕒𝕤 𝕀𝕥?! © 2017 ✔Where stories live. Discover now