Chapter 1: INLOVE

104 4 0
                                    

Zsofia's POV

Do you know the feeling of inlove? Yung tipong mababaliw ka. Ganun ang nararamdaman ko ngayon kay Kenneth Brown. Tama kayo! He's my boyfriend. Mahal na mahal naming ang isa't-isa.





Nandito ako ngayon sa school. Gumagawa kami ng reaction para sa tinuro ni Ma'am Lumacad. Gaya niyo natawa rin kami nung una naming marinig ang apelyido niya. Napagalitan pa nga kami nun at tinanong niya kung "What's funny?" sarap sagutin kaso baka mapahiya lang ako. At ang nakakatawa pa dun na pinanindigan niya talaga ang apelyido niya, lagi siyang lakad ng lakad pabalik-balik sa classroom na animo'y may binabantayan lalo na kapag nagdidiscuss nahihilo na nga lang kami sa kanya eh.



*KRINGGGGGG* pagkaring na pagkaring ng bell ay kinolekta na ni Mam yung reaction papers at dinismiss na ang klase. Agad-agad naman naming inayos ni Mia ang mga gamit namin at umalis.

Pagkalabas na pagkalabas ay nagtanong si Mia.

"Bessy, san naman tayo pupunta ngayon?" nairita ako sa tanong niya.

"Pwede ba Mia itigil mo 'yang pagtawag ng bessy sa akin. Nakakairita hindi na tayo bata para ganyan pa ang itawag mo sa akin." Pagalit na sabi ko.

"Okay! Sorry na agad. Beast Mode?"

"Hindi naman siguro halata noh?" pabalik kong tanong. "Ha-ha-ha-ha." medyo natawa ako sa inakto niya lumuhod ba naman tapos nagsosorry. Baliw talaga.



Pinatayo ko na lang siya at pumunta na kami sa Cafeteria nagugutom na kasi ako.

Patungo sa Cafeteria ay nakasalubong naming si Xiamara. Bestfriend ko siya in the past, friends pa rin naman kami hanggang ngayon. Tinanong ko si kung nasan si Ken pero ang isinagot niya lang ay hindi niya napansin dahil marami siyang inintindi nung nasa classroom siya at nagpaumanhin. Ewan ko ba kung bakit ang cold niya sa akin. Kakainis na nga ei.

Tumango na lang ako at hinabol na si Mia. Pinauna ko kasi siya.





Sa Cafeteria, habang kumakain may nakita akong lalaking papalapit sa akin. Alam niyo naman na siguro kung sino. Pero sasabihin ko na rin para sure kayo. Oo! si Ken nga yung lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko kapag sobrang lapit sa akin.

Minsan naiinis ako sa kanya kasi lagi niyang pinapaalis si Mia sa tabi ko at pinapalipat ng lamesa. Pero nawawala rin yun kapag nag uusap na kami nangingibabaw si LOVE eh.

Alam niyo yung nakakainis sa kanya yung hindi ako makatingin sa kanya kasi sobra yung titig niya yung feeling na matutunaw ka na sa harap niya. Medyo naiilang pa ako kasi ilang weeks pa lang kaming on eh. Nabreak ang silence dahil may tinanong ako sa kanya.

"Hindi ka ba kakain, babes?"

"Hindi na nabubusog ako tuwing nakikita kita. Hindi na kailangan pa." sabi niya. May pagkabolera pero okay lang nabawi naman sa kagwapuhan.

"Okay! Pero mamayang dinner wag na papalipas ahh." sabi ko pa.

"Opo masusunod mahal na REYNA ng buhay ko." may pagdiin pa talaga sa reyna.

Ayun matapos naming mag-usap ay nagpaalam na siya may practice pa daw siya, Basketball. Gusto ko sanang sumama kaso may gagawin pa ako. Magrerelax ako sa music room mamaya.



Pumunta ako sa table ni Mia hindi pa kasi siya tapos samantalang ako tapos na. Nakakahiya naman kung siya pa papupuntahin ko dito sa mesa diba? Pagkatapos niyang kumain ay nagpahinga muna siya ng konting minuto at pumunta na kami sa music room. Napag-usapan na naming yun kahapon pa!





Sa Music Room, madalas kami dito ni Mia kasi mahilig kaming kumanta at magplay ng musical instrument. Ang gusto niyang instrument ay FLUTE ako naman ay PIANO. Favorite song niya yata yung LOVE YOURSELF ni Justin Bieber. Ako ang favorite song ko DANCE WITH MY FATHER (tagalog version). Naaalala ko kasi yung mga kinuwento sa akin ni Mommy nung bata pa ako nakakarelate kasi ako sa song na ito. Namatay na kasi si Daddy, nagkaplane crash daw at kasama si Daddy sa namatay.



30 minutes din yata kami dun. Bawal daw kasing magtagal ng 1 hour dun kasi may gumagamit daw ng music room ngayon araw kaya napilitan kaming umalis. Syempre bago kami umalis inayos muna namin lahat ng mga ginamit namin. Pagkatapos namin dun ay dumiretso na kami sa library may hahanapin pa kasi kaming mga words na pinapadefine ni Sir Dimaunahan.



Nang magring ang bell ay agad na kaming umalis sa library sakto tapos na kami. Lumabas kami at nagpaalam na sa isa't-isa iba kasi schedule niya. Hindi ako umattend sa C.A.T. class ko bigla kasing sumakit yung ulo ko. Pumunta ako sa clinic at naghingi ng slip para makalabas nang makauwi na ako sa bahay at makapagpahinga.





*KINABUKASAN*

Paalis na ako ng bahay ng may tumawag sa akin na unknown number. Nagulat ako kasi wala namang ibang nakakaalam nun kundi sila Xia at Mia lang. Hindi ko sinagot yun because I don't talk to strangers. Bahala siya! Hindi na siya tumawag ulit pero nag-iwan siya ng message.



From: 0916*******

Hello? Girl! Hindi mo ba alam na pinagloLOKO ka lang ng current boyfriend mo? Yung pakikipagsyota niya sayo ay BET lang lahat ng yun hindi totoo. Maniwala ka sa akin. Magmasid-masid ka naman kasi hindi yung nakaTANGA ka lang diyan at hihintayin mo lang siya pumunta sayo.

~QueenLayf<3

--------------------------------------------

Hanggang dito na muna! Sana nag-enjoy kayo!

Please vote and comment guys. Please comment kung ano yung nasa isip niyo.

#harthart

A Broken Heart to FixWhere stories live. Discover now